^

Punto Mo

6 Tsekwa, 1 Pinoy timbog ng PNP-AKG

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

NAKALAWIT ng PNP-Anti Kidnapping Group ang 6 na Tsekwa at 1 Pinoy sa magkahiwalay na operasyon sa Parañaque at Pasay City. Sabi nga, pera lang ang kailangan ng mga ugok!

Sa istorya ni Maj. Rannie Lumactod, bumuo ng rescue team si PNP-AKG Director BGen. Jonnel Estomo, nang maka­­rating sa kanya ang balita na may mga dinukot na dalawang Tsekwa sa Parañaque at Pasay City, kaya hindi nagpatumpik-tumpik ang grupo at sinalakay ang hideout ng mga gago na ikinahuli ng mga suspek na sina Gao Tong Tong, Tian Yu, Liang Kai, Cheng Yong Qing, Zhang Bo Xu, Wng Xuan at Pinoy na si Edgar Ortiz.

Nasa ligtas namang kalagayan ngayon ang mga biktimang sina Le Chen at Den Lingyi, na takot na takot sa pangyayari matapos silang hingan ng libu-libong piso.

Ang mga kamoteng nahuli ay dinala sa headquarters ng PNP-AKG para sa masusing imbesti­gayon at sasampahan sila ng mga kaso.

Congrats!

* * *

Si Cayetano at ang Department of Arts and Culture, bow 

Magsasaing este mali maghahain pala ng panukalang batas si Speaker Alan Cayetano at ibang mga kasamahan nitong kongresista para magtatag ng Department of Arts and Culture.

Bakit?

Hindi birong performing artists at creative industry ang sumadsad sa kanilang kabuhayan at halos walang pera dahil sa coronavirus disease.

Sabi nga, kanselado ang mga balbas este palabas pala, ang mga concerts, pati na ang mga comedy bars ay nagsasara na dahil walang pumapasok na customers sa mga ito.

Lagapak ang performing artists halos hirap makabangon para lamang kumita para sa kanilang pamilya. Ika nga, dead na ang business na ito sa ngayon talamak ang hawahan ng virus.

Sabi nga, dumarami ang may sakit!

Balak ni Cayetano na suportahan ng gobyerno ang training at development ng mga nasa performing at creative arts para magkaroon ng market hindi lamang sa Asia kundi sa buong mundo.

Pero ang problema paano ito sisipa sa ngayon?

Alam naman natin na hindi magpapahuli ang mga Pinoy pagdating sa mga sayawan, kantahan, artista, echetera.

Sabi nga, hindi magpapatalo ang Pinoy pagdating sa sining at kultura dahil iba sila kung lumaban ng pagalingan sa kanilang mga kalaban.

Kaya asahan ng mga performing at creative arts na hindi sila pababayaan ni Cayetano. Ano sa palagay ninyo? Abangan.

vuukle comment

KIDNAPPING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with