^

Baka sa Wisconsin, nakapag-produce ng 9,000 galon ng gatas

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - July 28, 2020 - 12:00am

ISANG baka sa Wisconsin ang nakapag-produce ng 9,000 gallon ng gatas sa loob lamang isang taon.

Ang baka na may pangalang “My Gold” ay nasa Ever-Green-View Farm sa Sheybogan, Wisconsin na pagmamay-ari ni Tom Kestell.

Ang 9,000 gallon na nagmula kay My Gold ay tatlong beses na mas marami sa karaniwang dami ng gatas na nagmumula sa isang pangkaraniwang baka sa loob ng isang taon.

Sadya raw na nasa lahi na ni My Gold ang pagtatala ng world record dahil ang magulang nito ay isa rin world record holder ilang taon na ang nakararaan.

Ngunit kahit nagmula sa magandang lahi ang baka ay mahalaga pa rin daw para sa mga ito ang maayos na kapaligiran at sapat na pagkain upang makapag-produce ng maraming gatas.

Kaya naman pinakakain niya si My Gold at bawat baka sa kanyang farm ng halos 60 kilong pakain kada araw at binibigyan niya rin ng pagkakataon ang mga ito na magpagala-gala.

Epektibo naman ang paraan ni Kestell dahil ang anim sa walong record pagdating sa paggawa ng gatas ay hawak ng mga baka mula sa kanyang farm.

MILK
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with