^

Punto Mo

‘Assume balance’ o ‘pasalo’ ng sasakyang hindi pa tapos hulugan, ligtas ba?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Plano ko pong bumili ng second-hand na sasakyan na ayon sa may-ari ay may  isang taon pa ang natitira na kailangang hulugan sa banko. Ligtas po ba kung sasaluhin ko na lang ang mga natitirang buwanang hulog na kailangang bayaran para sa sasakyan? —Lester

Dear Lester,

May mga kaakibat na panganib ang tinatawag na “assume balance” o “pasalo” na tran-saksyon. Unang-una, kadalasang ipinagbabawal sa loan contract na ibenta o ipasa sa iba ang kotseng binili sa pamamagitan ng isang installment plan ng walang pahintulot sa inutangang banko. Masasabing legal lang ang pagsalo mo sa kotse at sa natitirang balanse ng bayad nito kung makakakuha kayo ng permiso sa banko na ilipat sa pangalan mo ang paghuhulog sa kotse.

Kailangan din na mag-ingat sa mga nag-aalok ng mga “pasalo” na sasakyan dahil hindi mo alam kung regular bang nababayaran ang buwanang hulog nito. May mga buyers kasi na nag-“assume balance” ng kotse ngunit wala silang kamuwang-muwang na hahatakin na pala ng banko ang sasakyang sinalo nila dahil matagal nang hindi nababayaran ang monthly amortization nito. Sinadya lang silang lokohin ng seller upang mabawi nito ang naihulog na niya sa sasakyan.

Magdudulot din ng problema ang mga “assume balance” na transaksyon kung sa seller ng kotse ipadadaan ang buwanang hulog ng sinalong sasakyan. Kung sakali kasing hindi pala nakakarating sa banko ang ibinabayad na hulog ay maari pa ring hatakin ng banko ang kotse kahit regular naman ang ginagawa mong pagbabayad.

Wala namang problema kung parehong mapagkakatiwalaan at nagsasabi ng totoo ang buyer at seller sa isang “assume balance” na kasunduan ngunit katulad ng aking mga nabanggit, napakaraming oportunidad para makapanloko sa mga nasabing transaksyon. Sa huli, pinakamainam pa rin kung deretsahang bilhin mo na lang ang isang second-hand na sasakyang sigurado kang tapos nang hulugan o kaya’y ikaw na lang mismo ang umutang sa banko para sa pambili ng sasakyan.

 

vuukle comment

BANK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with