Sakripisyo
DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje (Pang-masa) - July 23, 2020 - 12:00am

MAGKAIBIGANG matalik ang baboy at manok dahil sa iisang farm lang sila nakatira. Minsan ay nabalitaan nilang may gagawing feeding program para sa mahihirap ang kanilang parish church. Nagbigay ng suhestiyon ang manok sa kanyang kaibigang baboy:

“Mag-donate tayo ng itlog at bacon”

Saglit na nag-isip ang baboy at saka sumagot:

“Ay, ayoko nga. Ikaw ay mangingitlog lamang samantalang kailangan akong katayin para lang magkaroon ng bacon. Para maging fair, mag-donate tayo ng bacon at fried chicken”. Hindi nakaimik ang manok at umalis itong malungkot. Upang  masundan ang mga yapak ni Jesus, kailangan ang pagsa­sakripisyo at kabuuang pag-aalay ng sarili—mga bagay na hindi kayang ibigay ng manok.

Noong World War 2, ipinadala sa Italy ang mga Amerikanong sundalo upang tulungan na labanan ang hukbo ni Adolf Hitler. Pinasok nila ang isang maliit na bayan kung saan nagtitipun-tipon ang mga sundalong Aleman. Isang matapang na sundalong Amerikano, ang nakaakyat sa second floor ng isang building kung saan may nagpupulong na sundalong Aleman sa ground floor. Tinawagan nito ang mga kagrupo sa pamamagitan ng radio. Inilahad niya ang lugar na kinaroroonan at inutusang ang mga kagrupo na pasabugin ito.

Tumutol ang mga kasamahan at sinabing makakasama siya sa pagsabog. Ang tanging isinagot ng bayaning sundalo: Nag-iisa lang ako samantalang marami silang mapapatay ninyo. At ganoon nga ang nangyari. Pinasabog nila ang building at nang mahawi ang sunog, ang katawan ng nag-iisang sundalong Amerikano ay napapalibutan ng mahigit na isanlibong patay na sundalong Aleman. Kakaunti lang ang tropa ng mga Amerikano at mas marami ang mga Aleman.

Kung hindi isinakripisyo ng bayaning sundalo ang nag-iisa niyang buhay, siguradong marami sa mga kasamahan niya ang mamamatay o ibibilanggo ng kalaban.

FARM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with