^

Punto Mo

Masasabi bang regular na empleyado ang mga seaman?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Limang taon na po akong seaman ngunit noon pong isang buwan ay hindi na po ako na re-hire muli. Maari ba akong maghabol ng mga benepisyo na nakukuha ng isang regular na empleyado kapag sila ay natatanggal sa trabaho katulad ng separation pay?— Roland

Dear Roland,

Hindi ka maaring maghabol ng benepisyo na katulad ng isang regular na empleyado dahil kahit limang taon ka ng seaman ay nanatili ka pa ring isang contractual employee.

Ayon sa Korte Suprema sa kaso ng Millares vs. NLRC (GR 110524, July 29, 2002), nasa kategorya ng contractual emplo­yees ang mga seaman dahil may takdang panahon o may fixed period ang pagiging empleyado nila sa isang employer.

Sa bawat kontrata kasing pinipirmahan nila ay nakasaad doon ang tagal ng kanilang magiging serbisyo kaya kapag natapos na ito ay tapos na rin ang status nila bilang empleyado.

Ito ay kahit higit isang taon na ang serbisyo nila sa isang kompanya. Kinikilala kasi ng batas na iba ang sitwasyon ng mga seaman na kailangang dumaong matapos manatili sa kara­gatan ng takdang panahon kaya hindi maaring maging tuluy-tuloy ang kanilang empleyo. Dahil dito, pinapayagan na palaging kontraktwal ang kanilang status bilang empleyado, na matatapos­ sa takdang panahon batay sa kung ano ang nakasaad sa kanilang kontrata.

Kaya kahit pa limang taon na ang pamamasukan mo bilang seaman sa huling kompanya mo ay hindi ka pa rin matatawag na regular na empleyado kaya hindi ka makapaghahabol ng mga benepisyong katulad ng separation pay ngayong hindi ka na re-hire ng dati mong kompanya.

SEAMAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with