^

Punto Mo

Mga palatandaan na maligaya ang iyong buhay

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

NAPAPANGITI ka tuwing makikita ang old school pictures. Ayon sa pag-aaral na ginawa ng DePauw University sa Indiana USA, kung lagi kang napapangiti tuwing masusulyapan mo ang iyong old school pictures, hindi lang ito palatandaan na masayahin ka kundi mas maliit ang tsansa na makipaghiwalay ka sa iyong asawa.

May kapatid kang babae. Ayon sa pagsasaliksik ng British Psychological Society, ang taong may kapatid na babae ay mas positibo ang pananaw sa buhay at mabilis mag-adjust sa anumang sitwasyong kinalalagyan niya. Ang kapatid na babae ang madalas na tagapayo o tagasuporta, panganay man siya o bunso, lalo na kapag wala sa tabi nila ang mga magulang.

Hindi ka nagtatagal sa panonood ng TV. Ayon sa resulta ng pag-aaral na isinagawa ng Maryland University, ang taong maligaya ay mas nanaising makipagkuwentuhan sa mga kaibigan; magbasa at pumunta sa religious services kaysa manood ng TV.

Mahilig magdispley ng souvenirs/mementos at photos. Mas gusto niya na may nakikita siyang bagay na magpapaalala ng masasayang sandali ng kanyang buhay.

Nag-eehersisyo nang regular. Mas kakaunti ang nararanasang stress ng mga taong regular na nag-eehersisyo kaya mas satisfied sila sa kanilang buhay.

Maganda ang takbo ng lovelife.

Masayahin ang mga  kabarkada.

Mahilig uminom ng hot chocolate/coffee/tea. Habang umiinom ay nananatiling hawak niya ang mainit-init na mug at hindi ito binibitawan hangga’t hindi nauubos ang laman.

May natatanging dalawang best friend. Isiniwalat ng isang pag-aaral na nakakaunlad ng pagkatao ang pagkakaroon ng at least dalawang mabubuting kaibigan.

BUHAY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user