^

Punto Mo

EDITORYAL - Single-use plastic ibawal na!

Pang-masa
EDITORYAL - Single-use plastic ibawal na!

MARAMING panukalang batas na isinusulong ang mga mambabatas. Kabilang na rito ang pagpapalit ng pangalan ng NAIA, batas na magpaparusa sa mga kina-kansel na order na pagkain on line at marami pang ibang panukala. Pero sa lahat nang ito, wala ni isa mang mambabatas na naghahain para ipagbawal ang paggamit ng single-use plastic.

Pawang mga ordinansa lamang ng iilang bayan at lungsod ang ipinatutupad sa pagbabawal sa paggamit ng single-use plastic at hindi pa rin ito ganap na naipasusunod. Patuloy ang paggamit ng single-use plastic kaya naman patuloy din ang pagkasira ng kapaligiran. Palubha na nang palubha ang plastic pollution hindi lamang sa Metro Manila kundi sa marami pang bayan at lungsod sa buong bansa.

Ang Pilipinas ay ikatlo sa mga bansa sa Asia na maraming plastic na basura. Nangunguna ang China at pumapangalawa ang Indonesia.

Sa Bangkok, Thailand ipinatutupad na ang pagbabawal sa paggamit ng plastic bilang lalagyan ng mga gulay at iba pang grocery items. Sa halip na plastic, dahon at saha ng saging ang ginagamit na lalagyan.

Kamakalawa, kumilos na ang local government unit ng Cebu  at kinalampag ang National Solid Waste Management Commission para itigil na ang paggamit ng single-use plastic. Hindi lamang ang commission ang tinatawagan ng pansin kundi pati na rin ang Department of Environment and Natural Resources at ang Department of Interior and Local Government. Ayon sa Cebu LGUs, dapat ipag-utos ang total ban at ganundin sa production ng mga single-use plastic.

Kasama sa mga single-use plastic ay ang sache ng 3-in-1-coffee, catsup, hair shampoo, hair conditioner, at ang mga plastic bag na gamit sa groceries at mga palengke. Ang mga plastic na ito ang nakikitang inaanod sa estero sapagkat itinapon ng mga walang disiplinang mamamayan.

Tatangayin ang mga ito patungo sa dagat at ang masakit, kakainin ng mga balyena na magiging dahilan ng kamatayan ng mga ito. Marami nang sperm whale ang sumadsad sa dalampasigan at namatay dahil nagbara sa bituka ang mga plastic.

Hindi lang tao at kapaligiran ang sinisira ng mga plastic kundi mga lamandagat man. Sana, may mambabatas na makaisip ng batas na isusulong ang pagbabawal sa paggamit ng plastic. Mas mahalaga ito kumpara sa batas na magpapalit ng pangalan ng mga istruktura.

 

vuukle comment

PLASTIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with