EDITORYAL - Sana, binigyan ng isa pang tsansa
EDITORYAL - Sana, binigyan ng isa pang tsansa
(Pang-masa) - July 14, 2020 - 12:00am

IBINASURA na noong Biyernes ng 70 kongresista ang hinihinging prangkisa ng ABS-CBN. Tinapos na agad nila ang isyu. Walang nagawa ang boto ng 11 kongresista.

Dalawang buwan ang ginugol ng House of Repre­sentatives sa pagdinig para sa hinihinging prang­kisa. Sa huli, nanaig ang rekomendasyon ng technical working group (TWG) na ibasura ang franchise bill. Nagsimula ang pagdinig noong Mayo. Una nang ipinatigil ng National Telecommunications Commission (NTC) ang pag-ere ng ABS-CBN noong Mayo 5.

Kabilang sa mga report ng TWG na naging da­hilan kung bakit hindi naipagkaloob ang hinihiling na 25-year franchise ay ang pagdududa sa citizenship ni ABS-CBN chair emeritus Eugenio “Gabby” Lopez at ang paggamit ng Philippine depositary receipts na isang paglabag sa Constitution. Kinukuwestiyon din ang validity ng pag-aari ng assets na muling nakuha makaraang bumagsak ang Marcos dictatorship. Kinukuwestiyon din ang pagbebenta ng TV Plus boxes para sa pagbo-broadcast digitally at ang paggamit nito sa pay-per-views.

Ayon pa rin sa TWG, nilabag din ng ABS-CBN ang prangkisa nito nang gamitin ang prangkisa ng Amcara Broadcasting at ginamit ang Big Dipper Design at ginawang tax shields ang ABS-CBN Foundation.

Ang lahat naman nang inaakusang ito ay sinagot lahat ng mga pinuno ng ABS-CBN sa mga ginawang pagdinig. Pero sa dakong huli, nanaig ang malaking boto ng mga kongresista na nagbabasura sa prangkisa.

Sana, binigyan ng isa pang tsansa ang ABS-CBN para ipakita ang kanilang pagbabago. Isa pa, kawawa ang 11,000 na manggagawang mawawalan ng trabaho. Inihayag kamakailan ng ABS-CBN na sa Agosto ay magtatanggal na sila ng mga manggagawa. Saan ngayon pupunta ang mga mawa­walan ng trabaho na nangyari pa sa panahon ng pandemia?

Sana binigyan ng pagkakataon ang network para naman naisalba ang kabuhayan ng mga manggagawa. May epekto rin sa ekonomiya ang nangyaring pagpapasara. Ngayon ay madadagdag sa pasanin ng pamahalaan ang mga nawalan ng trabaho.

ABS-CBN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with