^

Punto Mo

Merong paraan at magagawang hakbang!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

TILA nagiging isang drama-serye na ang kapaitang naganap sa ABS-CBN. May mga bida’t kontrabida, kawawa at kina­kawawa, depende kung anong gustong gampanang papel  kasama na ang mga epal. 

Sa kabilang banda, kung talagang pag-iisipan ng mga nagmamay-aring Lopez, marami nang nasasayang na panahon. 

Kung magagaling ang kanilang mga economic at marketing­ strategist, makikitang malaki na ang nalulugi sa kanila, marami na rin ang nawalan ng trabaho.

Meron naman silang puwedeng gawing paraan at hakbang sa usaping ito ng prangkisa.

Puwede silang maghanap ng “partner” sa pamamagitan ng corporate restructuring.  Ang tinu­tukoy ko, sa pamamagitan ng “merger” o “partnership”.

Tutal naman, may infrastructure na, may building, may mga equipment, teknolohiya, mga tao at mga artistang ang ilan sa kanila ay mapagmalaki, maiingay at malalaking ulo.

Maaari nilang gawing selling proposition ito sa kanilang magiging business partner, kung sino man yan. 

Tutal, prangkisa naman ang pinag-uusapan at sabi rin ng Kongreso na hindi karapat-dapat ang Lopez. Kung ganoon, eh di iba!

Alam ko, isang business tycoon na may-ari rin ng isang network ang TL na TL (tulo laway) diyan sa ABS-CBN.

Maraming mahahanap diyan na interesado’t  mga bilyonaryo din at magbabayad pa ng tamang buwis. ‘Yung hindi na manggugulang.

Dito, masasalba pa ang mga kawawang maliliit na empleyado na ginagantso at walang kasalanan.

Kung talagang mahal at may malasakit ang may-ari sa mga empleyado, gagawa sila ng agarang hakbang.

Magaling naman ang ABS-CBN pagdating sa products, concepts at ideas, siguradong kaya nilang gawan ng hakbang ito.

Hindi pa naman huli ang lahat, may pag-asa at hindi kailangang umiyak na parang inagawan ng lollipop dahil may paraan.

Learn from it, ‘wag nang nakalimot doon sa responsibilidad at obligasyon na kaakibat ng prebilehiyo (hindi karapatan) na ipinagkaloob – ang prangkisa.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with