^

Punto Mo

Pagmamahal sa trabaho

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

PAYO ni Martin Luther King Jr. tungkol sa pagmamahal sa trabaho:

Kahit pa ang trabaho mo ay pagwawalis ng kalye, gawin mo ang iyong trabaho na kasinghusay ng pagpipinta ni Michaelangelo; kasinghusay ng paghabi ng tula ni Shakespeare; kasinghusay ng paglapat ng mga nota sa musika nina Handel at Beethoven. At sa sobrang linis ng kalyeng iyong winalis, pati ang mga Anghel at Diyos Ama sa langit ay magpupuri at sasabihing, dito nagtatrabaho ang pinakamahusay na tagalinis ng kalye.

Minsan  nahuli sa pagpasok sa trabaho si Riza dahil  minalas na natalsikan ang kanyang white skirt ng putik mula sa kalsada dahil may dumaang humahagibis na sasakyan. Bumalik siya sa bahay at nagpalit ng damit. Isang oras siyang nahuli sa pagpasok.

Sa opisina, hinahanap na siya ng big boss. May presentation kasi siya sa mga managers ng iba’t ibang department. Tungkol iyon sa bagong produkto na siya ang nag-formulate. Maayos naman niyang naitawid ang presentation sa kabila ng one hour late siya. Pagkatapos ng presen­tation ay pinaliguan siya ng sermon ng big boss. ‘Yung pagalit na parang hindi masyadong nalinis ng janitor ang toilet.

Nakalimutan ng big boss ang lahat nang accomplishments ni Riza bago ang insidenteng iyon: Nakaimbento siya ng bagong produkto na kasalukuyang mabenta sa merkado. Iyon ang una niya. Pangalawa na lang iyong iprinisinta niya sa mga managers kanina. Isa pang utang na loob ng kompanya sa kanya ay siya ang nakabuko na mababa ang quality ng isang ingredients na inirarasyon ng kanilang supplier samantalang ang presyong ibinabayad ng kanilang kompanya ay pang-first grade quality. Hindi naman gusto niyang sambahin siya dahil sa mga nagawa, pero sangkapan naman sana ng paggalang at professionalism kapag nansesermon sa subordinate. Pare-pareho lang kayong nagsikap para magkaroon ng mataas na pinag-aralan.

Bunga ng pagkadismaya sa inuugali ng kanyang boss, mahal man niya ang kanyang trabaho, nagpasya siyang mag-resign at lumipat sa kalabang kompanya.

Sa  puntong ito, nawalan ng kuwenta ang payo ni Martin Luther. Ginagawa mo nang buong husay ang iyong trabaho pero hindi naman iyon nabibigyan ng halaga dahil sa maling pag-uugali ng pinuno.

vuukle comment

TRABAHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with