^

Punto Mo

Maari bang ilagay ang ka-live in bilang benepisyaryo ng SSS?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Matagal na po kaming hindi nagsasama ng asawa ko at mayroon na po ako ngayong ibang kinakasama. Maari ko po bang alisin ang pangalan ng asawa ko sa listahan ng mga benepisyaryo ko sa SSS at ipalit ang pangalan ng aking ka-live in?

—Mario

Dear Mario,

Hindi maaring alisin ng isang miyembro ng SSS ang mga tao na nakalista na benepisyaryo niya at palitan ito ng sinumang kanyang naisin. Nakasaad na kasi sa batas kung sino ang maaring maging beneficiary ng isang SSS member at ang kanilang pagkakasunod-sunod batay sa kanilang relasyon sa miyembro.

Ang una sa listahan ng mga beneficiaries ayon sa Republic Act No. 8282 o SSS Law ay ang legitimate spouse na nakaasa sa yumaong SSS member, at kasunod naman ang mga anak na hindi hihigit sa 21-anyos ang edad at nakaasa pa rin sa SSS member nang siya ay namayapa. Kung walang asawa o anak, ang mga magulang ng SSS member ang makakatanggap ng benepisyo. Kung wala na rin ang mga magulang ng SSS member nang siya ay yumao ay saka lamang maaring kilalaning bene­pisyaryo ang sinumang inilagay niya sa kanyang records.

Sa kaso mo, mayroon kang asawa at wala ka namang na­banggit ukol sa pagpapawalambisa ng inyong kasal. Kung may bisa pa rin ang inyong kasal ay hindi mo basta-basta mailala­gay sa listahan ng mga benepisyaryo mo ang pangalan ng iyong kinakasama dahil ang asawa mo pa rin ang iyong legitimate spouse sa ilalim ng batas kahit matagal na kayong hindi nagsasama.

Hindi naman ibig sabihin nito ay awtomatikong maki­kinabang pa rin ang asawa mo sa iyong SSS benefits. Kung may iba na rin siyang kinakasama ay disqualified na rin siya bilang benepisyaryo mo kahit pa isa pa rin siya sa mga nakalistang beneficiaries mo. Ngunit bibigyang-diin ko lang na ibang usapan pa rin ang paglalagay ng pangalan ng iyong ka-live in sa listahan ng mga beneficiaries mo dahil nga nakatakda na sa batas ang maaring maging benepis­yaryo ng isang SSS member.

vuukle comment

SSS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with