_pang-masa
^

Punto Mo

Mga empleyado ng isang restaurant sa New Jersey, nakatanggap ng $1,000 tip

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NALUHA ang mga empleyado ng isang restaurant sa New Jersey matapos na ang isang longtime customer nila ay mag-iwan ng $1,000 (katumbas ng P50,000) na tip para lamang sa bill niya na umabot lamang ng $43.18 (P2,100).

Ayon kay Arnold Teixeira, may-ari ng kabubukas lamang na restaurant matapos ang lockdown sa kanilang lugar, ay nag-iwan pa ng maikling liham ang customer sa kanyang mga staff.

Sa kanyang liham, nagpasalamat ang customer sa mga empleyado ng restaurant para sa patuloy nilang serbisyo sa kabila ng pandemya at sana raw ay malaman nilang pinapahalagahan niya at ng kanyang pamilya ang kanilang pagsasakripisyo.

Hindi naman napigilan ng mga staff na maluha mula sa ginawa ng customer.

Ayon kay Teixeira, pinag hati-hatian ng pitong empleyadong pumasok noong araw na iyon ang $1,000 tip.

NEW JERSEY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with