^

Punto Mo

MCS Steel, na-delay sobra ang kargamento sa BOC?

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

MAY katwirang magmaktol ang importer na MCS Steel kay Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero dahil sa inabot ng halos apat na buwan ang container nila, na naglalaman ng «toxic» materials, sa loob ng kuwadra ng Bureau of Customs. Sa sobrang tagal nilang nabalaho sa BOC, sinabi ng MCS Steel na lumaki ang nilugi nila sa pamamagitan ng bayarin sa demurrage at storage fees.

Halos umabot na sa 30 taon na nagpaparating ang MCS Steel ng kanilang produkto galing sa Russia at ngayon lang nangyari ang delay ng ganito katagal makalabas ang shipment nila. Ang tanong sa ngayon ng MCS Steel: «Alam kaya ni Guerrero ang ginagawa ng mga tauhan niya? «Bakit po ganito kabulok ang sistema sa ngayon (sa BOC)?» Araguuyyy! Hak hak hak! Bukas po tayo sa kasagutan ni Guerrero!

Sa kanilang mensahe sa Customs Brokers and Stakeholders Forum, sinabi ng MCS Steel na dumating ang kanilang container noong March 11, bago ideklara ni President Digong ang lockdown dahil sa COVID-19. Nagsimula ang problema  nang mag-inspection ang deputized na Navy at Coast Guard at siyempre dahil lockdown, wala tao sa opisina nila. At inindorso ng Navy at Coast Guard, na walang alam sa tariff laws, na non-existing ang opisina nila kaya na-revoke ang accreditation nila. Sinabi ng MCS Steel na nag-request sila ng reinspection sa office ni CIIS director Jeoffrey Tacio, at nag-submit ng appeal for reconsideration kay Account Management Office (AMO) chief James Joven subalit wa epek ito.

Napilitan tuloy silang magreklamo sa office ni Executive Sec. Salvador Medialdea noong Mayo 15, at kay Atty. Doy Bringas ng Anti-Red Tape Authority noong Hunyo 10. Nakipag-coordinate din sila sa BOC Facebook page at kinuha ang ticket number nila at minarkahan ito na closed at resolved makalipas ang tatlong araw. Subalit, noong Hulyo 1, nagsadya ang representante ng MCS Steel sa BOC Customer Care South office para mag-follow up subalit nagulat ito nang malaman na walang nangyari sa apela na ibalik ang accreditation nila. Araguuyyy! Hak hak hak! Uso pala ang bola-bola system sa BOC, ano mga kosa?

Halimbawa kung ang bayad sa storage at demurrage fees ay P4,078 kada araw at kung apat na buwan o 120 days na namalagi ang shipment ng MCS Steel sa BOC aba halos umabot sa P489,360 kada container ang lalabas sa kaban nila. Eh paano kung maraming container ang naiparating ng MCS Steel? Eh di milyones ang nalugi sa kanila? Araguuyyy! Hak hak hak! Dahil lang sa maling inspection ng Navy at Coast Guard malaking halaga ang malulugi sa MCS Steel, di ba mga kosa? Ano to charge to experience na lang? Sa ngayon, ang suppliers ng MCS Steel sa Russia ay naaburido rin sa sobrang tagal ng shipment nila sa BOC kaya humingi ng tulong sa Russian embassy para maresolba ang sigalot na ito.

Kumalat din sa BOC ang memorandum ni Joven kay Guerrero na nagsasaad na ang opisina ng MCS Steel ay existing. Dumating ang memo kay Guerrero noong Hunyo 30 subalit napirmahan lang ito noong Hulyo 9 lang. Ang bagal naman! Abangan!

vuukle comment

BOC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with