^

Punto Mo

Lalaking nagmamaneho ng carnap na sasakyan, tiklo, matapos mabangga ang kotseng carnap din

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa Oregon, US na nagmamaneho ng na-carnap na sasakyan at tinutugis ng mga pulis ang nahuli matapos mabangga ang isang babaing nagmamaneho ng carnapped din palang sasakyan.

Nagkaroon ng car chase sa pagitan ng mga pulis at ng 27-anyos na si Randy Lee Cooper noong Hulyo 6 matapos makatanggap ng report ang mga pulis ng pag-carnap sa isang Toyota Land Cruiser.

Sa pagpupumilit na makatakas, nabangga ni Cooper ang isang nakaw rin na sasakyan na minamaneho ng 25-anyos na si Kristin Nicole Begue.

Minamaneho ng lasing na si Begue ang isang Buick Regal na naireport na nanakaw tatlong linggo na ang nakalilipas.

Parehong arestado ang dalawa, na nahaharap sa patong-patong na mga kaso.

 

vuukle comment

CARNAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with