EDITORYAL - Kailan masasawata pagpasok ng shabu sa bansa?
(Pang-masa) - July 10, 2020 - 12:00am

MAY pandemia man o wala, patuloy ang pagpasok ng shabu sa bansa. Kahit may ECQ o GCQ, tuloy ang negosyong shabu. Balewala ang lockdown at paghihigpit sa checkpoint. Mas lalo pang naging mabangis ang mga drug suspect sapagkat laksang shabu ang ikinakalat na nagkakahalaga ng bilyong piso. Ganito na kalala ang problema ng droga sa bansa.

Kamakalawa, dalawang Chinese at isang Pinay ang naaresto ng PDEA at pulisya sa Sta. Maria, Bulacan sa ginawag buy bust operation. Mahigit 1 kilo ng shabu ang nakumpiska sa mga suspect na nagkakahalaga ng P6.8 milyon.

Noong Sabado, P27-milyong halaga ng shabu ang nasabat ng mga pulis sa Bgy. Santo Domingo, Quezon City. Apat na suspect, dalawang babae at dalawang lalaki ang naaresto sa ikinasang buy-bust operation.

Noong nakaraang linggo, napatay ng mga pulis ang dalawang Chinese drug traffickers sa isang enkuwentro sa Parañaque City. Nakumpiska sa mga suspect ang 36 kilos ng shabu na may street value na P244.8 million.  Kamakailan, sinalakay ng mga awtoridad ang isang bahay sa Marilao, Bulacan at nakakumpiska ng 756 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P5.1 billion. Isang Chinese ang naaresto sa isinagawang pagsalakay.

Wala nang katapusan ang shabu business sa bansa. Kahit pa nagbanta si President Duterte na papatayin niya ang drug lords, patuloy pa rin. Mula nang maupo si Duterte noong 2016, ang paglaban sa illegal drugs ang inatupag niya. Marami nang natokhang at napatay na drug suspect pero patuloy pa rin ang pagkalat ng shabu.

Noong nakaraang taon, sinabi ng Presidente na ang Sinaloa drug cartel ng Mexico ay nasa bansa at ito ang dahilan kaya patuloy ang pagkalat ng shabu. Inulit uli niya ang banta na papatayin ang sindikato ng droga na sumisira sa kabataan at kinabukasan ng mga ito.

Malaking katanungan kung paano nakakapasok sa bansa ang maraming shabu kahit naka-lockdown dahil sa pandemia. Kung sa mga cargo ship na dumadaong sa mga port sa bansa, ang Bureau of Customs ang dapat sumagot sa mahiwagang tanong.

Maaring nalusutan na naman ang Customs gaya ng magnetic filters na may shabu na nakalusot noong 2018. Kung mayroon pang dapat pagbantaan na papatayin si President Duterte, maliban sa drug traffickers, ito ay ang mga kurakot na opisyal at tauhan sa Customs. Bantaan para masawata na ang pagdagsa ng shabu sa bansa.

DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with