Ang babae sa aparador (105)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - July 10, 2020 - 12:00am

TINUNGO na ni Ziarah ang room na kinaroroo-nan ni Jonas. Ang kaibigang doktor nito ang kumuha ng room kaya tiyak niya na maayos ang room at tiyak ding mamahalin. Tatlong araw daw dito si Jonas. Mabuti naman at maayos daw ang kalagayan. Wala namang damage, ayon sa mabait na doktor.

Napangiti si Ziarah dahil akala ng doktor e siyota siya ni Jonas. Magaganda raw kasi ang mga siyota ni Jonas. Maganda ba siya?

Nakarating sa third floor       si Ziarah. Nakita niya ang nurse quarter. Tinanong niya sa isang nurse dun ang Room 315.

“Ayun po Mam. Yung color blue ang pinto,” sabi ng nurse.

“Salamat,’’ sabi niya at ti­nungo ang tinurong kuwarto.

Kumatok siya.

“Come in please. Open yan!’’ Narinig niyang sabi ni Jonas. Mabuti at gising na.

Binuksan niya.

“Kumusta ka Kuya?’’ sabi niya nang sumungaw sa pinto.

Pilit na ngumiti si Jonas. Hindi sumagot sa tanong ni Ziarah.

Pumasok si Ziarah at na­upo sa silya na nasa may dakong paanan ni Jonas.

‘‘Kumusta ang pakiramdam mo Kuya?’’

“Okey naman. Medyo masakit ito…” itinuro ang kanang tadyang.

Napatango na lang si Ziarah. Ayaw na niyang magtanong na may kinalaman sa nangyari. Siyempre ayaw munang maungkat ni Jonas ang nangyari.

Iba ang sinabi ni Jonas.

‘‘Puwede naman akong mag-isa rito, Ziarah. Kaila-ngang makapasok ka sa klase mo. Baka magkaroon ka ng fail pag nag-absent.’’

“Okey lang Kuya. Basta hindi kita iiwan. Babantayan kita.’’

“Baka mapuyat ka lang dito. Mahirap magbantay.’’

“Hindi kita iiwan Kuya. Ngayon pa ba kita iiwan na mayroon kang dinaranas na sakit ng katawan at kalooban. Kahit anong mangyari nasa tabi mo ako.’’

Hindi makapagsalita si Jonas.

Pero malalim ang dating sa kanya ng mga sinabi ni Ziarah. Tumatagos sa kanya.

Mabuti pa si Ziarah at nag-aalala sa kanya.

Hindi katulad ni Kat na gusto pa yata siyang ipapatay sa lalaking kasama!

(Itutuloy)

BABAE SA APARADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with