Misis na kakakasal lang, diniborsiyo ni mister nang makita na wala itong make-up
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - July 10, 2020 - 12:00am

MASAKLAP ang nangyari sa isang ginang sa United Arab Emirates (UAE) na kakakasal lang sapagkat diniborsiyo agad siya ng kanyang mister nang makita siya nito sa unang pagkakataon na walang make-up.

Hindi na kinilala ang mga pangalan ng dating mag-asawa na naghiwalay ilang araw lang matapos ang kanilang kasal.

Nangyari ang hiwalayan nang maligo sa beach ang mag-asawa. Dahil naligo sila, naalis ng tubig ang make-up at pekeng pilikmata ng babae kaya sa unang pagkakataon, tumambad ang tunay na itsura niya sa asawa.

Hindi makapaniwala ang kanyang asawa sa itsura niya na wala itong make-up kaya inakusahan siya nito ng panloloko.

Anim na buwan pa lang kasi silang magkakilala ni Mister bago siya niyayang magpakasal, kaya hindi pa siya nito nakikita na walang makeup.

Ayon kay Misis, pinal na raw ang desisyon ng kanyang mister na maghain ng diborsiyo. Hinding-hindi na raw ito makikipagbalikan sa kanya.

Nagpaliwanag naman ang babae sa mister na sumailalim talaga siya mga proseso ng pagpapaganda at plano naman niyang aminin ito sa kanyang asawa kung hindi lang siya naunahan ng mga pangyayari.

MAKE-UP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with