^

Punto Mo

Ang babae sa aparador (102)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

WALA nang pakialam si Ziarah kung pagtinginan man siya ng mga taong kumakain sa restawran. Hindi na niya mapigil ang sarili dahil sa pagkaawa kay Jonas na binugbog ng lalaking kasama ni Kat. Napalugmok sa semento si Jonas makaraang tamaan ng sipa ng lalaki na parang martial arts expert o yung lumalaban sa UFC.

Pagkatapos ay biglang nag­tatakbo palabas si Ziarah para daluhan si Jonas. Ka­wawa naman si Jonas!

Mabilis niyang naitulak ang pinto ng resto at tinungo si Jonas na nakasalampak sa semento. Parang hilo pa dahil sa tadyak ng lalaking kasama ni Kat. Nakita rin niya ang papalapit na guwardiya.

‘‘Kuya Jonasss!’’

Sigaw niya at bahagyang napalingon si Jonas sa kanya.

Nakalapit si Ziarah at ina­lalayan si Jonas.

‘‘Kuya, anong nararam­daman mo?’’

Umiling lang si Jonas.

‘‘Gusto mo dalhin ka namin sa ospital.’’

Umiling muli.

Lumapit ang guard.

Hindi napigil ni Ziarah ang sarili na magsalita.

‘‘Hindi mo man lang tinulungan ang Kuya ko. Nakati­ngin ka lang.’’

“Mam, nabigla rin ako sa bilis ng pangyayari.’’

“Kustomer n’yo kami dapat proteksiyunan n’yo.’’

“Sorry Mam. E nakuha ko po ang plate number. Magsasampa ba si Sir ng reklamo.’’

Umiling si Jonas.

Kumalma si Ziarah. Tinanong si Jonas.

‘‘Kuya anong balak mo?’’

Bumulong si Jonas.

“Uwi na tayo.’’

“Paano ka makakapag-drive?’’

“Kaya ko.’’

“Baka kailangan mong magpaospital.’’

Umiling.

Alalang-alala si Ziarah.

Nang tangkaing tumayo ni Jonas ay bumagsak uli ito. Hindi kaya. Nagpasya na si Ziarah. 

‘‘Dadalhin kita sa ospital, Kuya!’’

At sinabi sa guard na tulu­ngan sila.

‘‘May ambulance po ang restaurant, Mam.’’

“Dalhin n’yo ang Kuya ko. Masama ang lagay niya!’’

Mabilis na kumilos ang guard.  (Itutuloy)

vuukle comment

BABAE SA APARADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with