^

Punto Mo

Ayaw paawat ng mga pasaway!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Bagama’t malaking bahagi na ng bansa ang nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) kasama na ang Metro Manila habang sa ibang lugar ay nasa mas maluwag nang modi­fied­ GCQ, patuloy pa ring nasusumpungan ang mga pasaway na tila nakakalimot sa mga ipinatutupad pa ring protocol.

Dito nga lang sa Metro Manila, talagang ayaw paawat ng mga pasaway.

Sa mga nakalipas na linggo, patunay sa mga isinagawang operasyon ng pulisya, aba’y mistulang walang pandemic na ang asta ng iba.

May ilan todo-saya na sa mga bar.

Inuman dito, inuman doon, na hindi na nababantayan ang social distancing maging ang pag­babawal pa sa mass gatherings.

Meron naman, nagsusugal, nagka-karaoke, may lamay na sa patay na hindi na nagiging limitado ang bilang. Hindi na inoobserba ang social distancing.

Marami na rin ang nakakalimot magsuot ng face mask, may suot nga, ngunit nasa ilalim naman­ ng baba.

Hindi malaman kung nakalimutan lang ang face mask o talagang sinasadya na huwag magsuot.

Dito mo talaga makikita kung sino ang mga pasaway, kumpulan sa kung saan-saan, tsikahan dito, tsikahan doon na parang walang pandemic.

Binabalewala ang mga tagubilin at ipinatutupad na protocol laban sa COVID.

Minsan nakakapag-init na ng ulo ang mga taong ganito, na walang pakialam sa kapwa, arya nang arya kapag tinamaan ng sakit, maninisi ng iba.

Hindi dapat na maging kampante sa virus, dahil patuloy pa rin at marami pa rin ang dinadapuan nito.

Kung nais natin na bumalik na sa dating normal na pamumuhay, sana ay makipagtulungan para hindi na lumaganap ang virus at ‘wag na ring maging pasaway.

 

vuukle comment

GCQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with