^

4 na katotohanan sa buhay ni misis

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje (Pang-masa) - July 5, 2020 - 12:00am

1. Kung ano ang inuugali niya noong magnobyo pa lang kayo, iyon na talaga siya forever. Kaya huwag umasa na magbabago siya. Ang magbabago lang sa kanya ay kulay ng buhok – from black to white o ang tikas ng katawan – from six packs abs to butete abs.

2. Hindi totoo na kapag mabait ang isang lalaki sa kanyang ina at kapatid na babae, palatandaan iyon na magiging mabait din siya sa kanyang magiging misis. Pangkaraniwang nangyayari, masungit ang ganitong lalaki sa kanyang misis. At eto pa, kapag nag-away kayo ng iyong biyenan, si Mister ay  sa kanyang ina pa rin kumakampi dahil ang katotohanan, mas mataas ang level ng pagmamahal niya sa kanyang ina kaysa iyo. Pero hindi ito aaminin ni Mister sa inyo, ever!

3.  Mas matagal ang inyong pagsasama, mas lalong nagiging “at home” ang mag-asawa sa isa’t isa. Bunga nito, lumalampas minsan sa kagandahang asal si Mister. Nagiging pangkaraniwang bagay na lang ang pang-iinsulto niya sa kanyang misis na dinadaan lang sa biro.

4.  Darating ang panahon na mawawalan ng energy si Mister. Isang naghuhumiyaw na palatandaan  na wala nang “ganap” ang inyong sex life. Wala as in zero sex sa matagal na panahon. Pero tanggapin mo nang maluwag sa iyong loob ang pangyayaring ito. Hindi lang empleyado ang puwedeng magretiro sa trabaho. Si Totoy Bato, nagiging marsmallow din.

“Marriage is neither heaven nor hell, it is simply purgatory.” — Abraham Lincoln

 

 

MISIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with