^

Punto Mo

Ang babae sa aparador (100)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI mapakali si  Ziarah nang makitang paalis na sina Kat at ang kasama nitong lalaki na parang Japanese o Chinese. Tapos nang kumain ang mga ito. Inalalayan pa ng lalaki si Kat. Talagang kakaiba ang relasyon ng dalawa, naisip ni Ziarah. Magsiyota kaya? Paano si Kuya Jonas.

Habang naglalakad sina Kat at ang kasama patungo sa pinto ng restaurant ay nagdadasal naman si Ziarah na huwag na sanang kumprontahin pa ito ni Jonas. Baka kung ano ang mangyari! Baka magkagulo! Baka magsuntukan!

Baka sa bugso ng galit ay kung ano ang magawa ni Jonas sa lalaki.

Naisip ni Ziarah, tiyak nang nagtataka nang labis si Jonas kung bakit narito si Kat gayung ang paalam sa kanya ay nasa Japan o Hong Kong yata. At ayaw pa raw sagutin ang tawag.

Anong klaseng babae si Kat?

Pagkaraan ng mga ginagawa nila ni Jonas sa bahay nito ay mayroon pa pala itong ibang bino-boyfriend. Sobra pala ang babaing iyon!

Hanggang makita ni Ziarah na nakalabas na ng pintuan ng resto sina Kat at ang lalaki.

Nakahinga siya nang maluwag. Wala nang aabutan si Jonas.

Pero nagtaka siya kung nasaan si Jonas. Bakit big­lang nawala?

Hanggang sa may nakita si Ziarah mula sa labas ng restaurant na tumatakbo at hinahabol sina Kat!

Si Jonas!

Nasa labas pala si Jonas at nag-aabang kina Kat!

Kinabahan si Ziarah. Tiyak na magkakaroon ng konprontasyon.

Ano ang gagawin ni Jonas?

Baka magsuntukan ang dalawa! (Itutuloy)

vuukle comment

BABAE SA APARADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with