^

Punto Mo

EDITORYAL - BIR, dapat kumilos sa POGOs na hindi nagbabayad ng tax

Pang-masa
EDITORYAL - BIR, dapat kumilos sa POGOs na hindi nagbabayad ng tax

SINABI ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) noong nakaraang linggo na may mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) na titigil na ng operasyon at ililipat na ito sa ibang bansa. Ito ay pagkaraan umanong abisuhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang POGOs na magbayad ng kanilang buwis bago buksan ang kanilang operasyon. Una nang inianunsiyo ng PAGCOR na bubuksan na ang POGOs pero kaila-ngang sumunod muna ang mga ito sa requirements at isa nga rito ay ang pagbabayad ng buwis.

Pero sa halip na magbayad, magsasara na lang daw ang POGOs. Isa sa mga nagbantang magsasara at lilipat sa ibang bansa ang kanilang POGO business ay ang Macau-based Suncity Group, pinakamalaking junket operator sa mundo. Ginawa ng Suncity Group ang banta makaraang sabihan ang mga ito ng BIR na bayaran muna ang kanilang tax liabilities bago mag-operate. Magsasara na lang daw sila. Ayon sa report, nasa bilyong piso ang tax liabilities ng nasabing kompanya.

Hindi dapat pumayag ang BIR na basta na lamang makaalis ng bansa na hindi nagbabayad ng tax ang POGO operator. Huwag hayaang makaalis ang mga ito. Pigilin at saka lamang paalisin kung nakapagbayad na.

Ang bilyong utang ng nasabing POGO ay malaki ang magagawa para sa kabuhayan ng bansa na ngayon ay lugmok ang ekonomiya dahil sa pandemya. Gawin ng BIR ang lahat para mapagbayad ang Suncity.

Marami pang mandarayang POGO na dapat si-ngilin ng BIR. Noong nakaraang taon, isang POGO provider na nasa Libis, Quezon City may utang na P21.62 billion ang hindi malaman kung nagbayad na sa BIR. At hindi rin malaman kung ipinasara na nga ba ito o nag-ooperate pa hanggang ngayon. Ka­i­langang matiyak at baka patuloy na niloloko o dinadaya ang pamahalaan.

Tiyak na marami pang POGO provider na may bilyones na utang at dapat habulin ang mga ito. Kung masisingil ang mga ito, malaking tulong sa bansa para matulungan ang mamamayan na sinalanta ng COVID-19. Huwag matulog ang BIR sa pagkakataong ito.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with