Hindi manganganak ng tupa ang tsonggo
BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo (Pang-masa) - July 2, 2020 - 12:00am

MAY lumang kasabihan na kung ano ang puno ay siya rin ang bunga. Kung anong uring asal, kaugalian, kultura at ideolohiya ang ating ginagawa ay asahang matututunan at uugaliin din ng ating mga anak.

May pinag-uugatan kasi ang “behavior” ng mga kabataan. Alin lang yan, ito ay sadyang itinuro at uri ng pagpapalaki  o ang magulang ay pabaya, walang pakialam o kunsintidor sa ginagawa ng kanilang mga anak.

Kung ano ang turo mo sa iyong anak, makikita kung anong klaseng magulang ka. Reflection sa simpleng salita. 

Bakit paulit-ulit kong binabanggit ito? Dahil gusto kong idikdik sa kukote ng bawat #AmaAko at #InaAko na mahalaga ang papel ng mga magulang sa pagkatao, tagumpay o pagkabigo ng ating mga anak. 

Gusto kong magbigay ng babala lalo sa panahong ito kung saan lahat ay may access sa internet. 

Obligasyon nating mga  magulang na gabayan, turuan ang mga “bubwit” na anak sa daigdig ng social media. 

Dapat ikintal sa kaiisipan ng inyong mga anak, na anumang “post sa social media” Twitter man o Facebook ay may tinatawag na “consequence” at “accountability.”  

May kokontra, papabor lalo na kung makikisawsaw sa mga isyung nasyonal. Walang masama magpahayag ng opinyon at maging aware sa nangyayari sa iyong komunidad.

Ang tanong, handa ka bang laitin, murahin, okrayin? Handa ka bang panindigan ang iyong ipinaglalaban?

Kung sakaling ma-bash, talaga namang masakit para sa isang magulang lalo na sa isang ina na makitang kinukuyog ang kanyang anak.

Halimbawa ay yung isang hija diyan na sa sobrang kaka-tweet, natuwa masyado’t bumilib sa sarili. Hindi mo na malaman kung nagpapatawa ba o sadyang nambubuwisit na tila “all knowing” na sa mundong ito.

Ipinost yung kanya daw “notes” noong siya 11-anyos pa lamang laban sa isang namayapang Chief Justice na na-impeached noon.

Ang siste, nagmalaki sa sarili subali’t hindi naisip na irespeto ang pagyao at pamilyang naiwan. Lumabas na bastos ang dating ng kanyang tweet kaya patuloy na inookray ngayon ng publiko.

Kung nakintal lamang kasi sa murang pagiisip ng bata ang tamang pakahulugan ng respeto sa tao buhay man o patay ay baka hindi siya nalagay sa sentro ng kontrobersiya.

Ang kanyang ina ngayon, umiiyak sa social media sa sobrang sama ng loob kung bakit daw ganoon na lang laitin ang kaniyang anak. Ang di iniintindi ng nanay na ‘to, epekto lamang ito ng problema. 

Ano ang ugat? Tingnan n’yo ‘yung puno. Hindi puwedeng manganak ng tupa ang tsonggo.

TSONGGO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with