Maaari bang alisin sa trabaho ang empleyadong may COVID-19?
DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos (Pang-masa) - July 2, 2020 - 12:00am

Dear Attorney,

Nagtatrabaho po sa isang opisina ang aking ama. Noong Abril ay nag-positive po siya sa COVID-19 pero na­ka­pagpagaling din naman siya nang lubusan. Ngayon pong gusto na niyang bumalik sa trabaho ay hinahanapan siya ng medical certificate ng kompanya upang masigu­radong maayos na ang kalusugan niya. Kung wala raw maipakikitang medical certi­ficate ang aking ama ay hindi raw siya makakabalik sa trabaho at baka kumuha na sila ng ibang empleyado para sa posisyon. Maaari po bang alisin sa trabaho ang ama ko dahil lamang nagkasakit siya ng COVID-19 at kahit magaling na naman siya? – Jenny

Dear Jenny,

Bagama’t maaaring magtanggal ng empleyado dahil sa taglay niyang sakit, hindi naman nito saklaw ang sakit na COVID-19. Malinaw kasi sa ilalim ng Article 299 ng ating Labor Code ang mga requirements bago maging sapat na dahilan ang pagkakaroon ng sakit sa pagtatanggal ng isang empleyado.

Ayon sa batas, kailangan na (1) ang patuloy na pagtatrabaho ng empleyado ay labag sa batas dahil sa taglay niyang sakit; (2) makakasama hindi lamang sa kanya kundi pati na rin sa kalusugan ng mga kasamahan niya ang patuloy na pagtatrabaho; at (3) may sertipikasyon mula sa mga kinauukulan na ang sakit niya ay hindi magagamot sa loob ng anim na buwan.

Patungkol sa pangatlo, kung kaya namang gamutin ang sakit sa loob ng anim na buwan ay maaaring sabihan na lang ang empleyado na mag-leave of absence na lang hanggang siya ay makapagpagaling.

Malinaw sa ilalim ng batas na bagama’t maaaring dahilan ang sakit sa pagkakatanggal sa trabaho, kailangang sertipikado muna ang sakit na hindi magagamot sa loob ng anim na buwan. Kaya base sa iyong inilahad, hindi maaaring gamitin na dahilan ang dating pagkakaroon ng COVID-19 ng iyong ama upang siya ay tanggalin sa trabaho lalo na’t wala pang patunay na tumatagal ito ng higit sa anim na buwan at ayon sa iyo ay nakapagpagaling na naman ang iyong ama.

Ipakita n’yo na lamang sa employer ang mga katibayan na nag-negative na mula sa COVID-19 ang iyong ama. Kung ipipilit pa rin ng kompanya na hindi papasukin ang iyong ama  sa kabila nito ay masasabing illegal dismissal na ang ginawa sa kanya at maaari na silang sampahan ng reklamo.

Dagdag pa rito, maaari rin ninyong ireklamo ang employer kung may naipasang ordinansa sa inyong bayan o siyudad na nagbabawal sa diskri­minasyon laban sa mga nagpositibo sa COVID-19.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with