Mga pulis na absent sa laban vs COVID, parurusahan! – Sinas
SUPALPAL - Non Alquitran (Pang-masa) - July 1, 2020 - 12:00am

TODO-SUPORTA si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Maj. Gen. Debold Sinas sa mga tauhan niya na nagsilbing “frontliners” sa laban vs COVID-19 subalit todo-parusa rin siya sa mga absent o umiiwas sa trabaho. Iginiit ni Sinas na habang itinataya ng karamihan sa 25,000-NCRPO’s rank-and-file ang kanilang buhay para pangalagaan ang kaligtasan ng mga Pinoy sa Metro Manila, hindi makatarungan na pabandying-bandying lang ang iba niyang mga tauhan. 

Kung sabagay, tumataas ang bilang ng mga pulis na namatay habang ginagampanan ang trabaho vs COVID. Marami ring pulis ang naging positibo sa virus at ‘yung taga-NCRPO ay nag-quarantine sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City at sagot ni Sinas ang gastusin nila pati ang kanilang mga pamilya. Get’s n’yo mga kosa?

Ipinasya kasi ni Sinas mga kosa na magkaroon ng surprise inspections sa mga control at checkpoints sa COVID at ‘yung nagpapatrol para masiguro na ginagawa ng mga tauhan niya sa “itaas at sa ibaba” ang kanilang trabaho. Ang nagsagawa ng inspections ay ang taga-Internal Affairs Service (IAS) para walang iiral na palakasan system. Siyempre, may mga pulis na natuklasang absent o gumawa ng infractions at ipinangako ni Sinas na tatanggap sila ng kaparusahan alinsunod sa rules at guidelines ng Philippine National Police (PNP). Araguuyyy! Hak hak hak!

Ipinangako naman ni Sinas na bibigyan niya ng due process ang lahat ng pulis na nagkamali sa panahon ng pandemya. Sa mga kakosa ko sa NCRPO, ingats din pag may time ha?

Ayon sa report ng IAS, may kabuuang 126 absences at 29 infractions na natuklasan nila mula Marso 15 hanggang May 15, 2020 kung saan ang Metro Manila ay nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ). Subalit nang ibinaba sa modified ECQ ang Metro mula May 16 hanggang May 31 umabot lang sa 40 kaso ng absent ang at dalawang kaso lang ng infractions.

Ang dalawang kaso ng infractions at dahil sa mahabang balbas at ang pagsukbit ng isyung armas sa bulsa ng pantalon na maliwanag na paglabag ng «Tamang Bihis» guideline ng PNP. Subalit noong ibaba sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro noong Hunyo, aba tumaas ang bilang ng absent mula 40 hanggang 44 at lalo na ang infractions na bumulusok 146 kaso. Ano ba ‘yan?

Na-burn out na kaya itong mga pulis natin sa NCPRO sa laban vs COVID? Araguuyyy! Kung sabagay, itong 190 pulis na absent o gumawa ng infractions ay katiting lang sa 25,000 nating pulis sa NCRPO, di ba mga kosa? Hak hak hak! Sana magsilbing leksiyon itong kaso ng 146 pulis sa kanilang kabaro para hindi na sila pamarisan pa. Tumpak!

Ayon pa kay Sinas, ang inspection ng IAS ay kabahagi pa din ng internal cleansing ng PNP at iginiit niya na zero tolerance ang ipapairal vs absent at infractions habang nanalasa pa ang COVID sa bansa. Abangan!

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with