Ang babae sa aparador (96)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - July 1, 2020 - 12:00am

SUNUD-SUNOD ang pagkutsara ni Jonas sa chicken soup. Parang hinahabol habang mainit.

‘‘Ang sarap talaga, Ziarah. Mas masarap pa ito kaysa soup ng restaurant na kinainan ko. ‘Yung kinain ko e walang kasarap-sarap pero ang mahal!’’

‘‘Lagyan ko pa Kuya? Marami akong niluto.’’

‘‘Mamaya-maya.’’

‘‘Siguro kaya sumakit ang ulo at nanlalamig ang pawis mo ay dahil hindi ka kumain kagabi, Kuya.’’

“Baka nga. Umatake ang migraine ko kasi.’’

“Masarap pa naman ang niluto ko kagabi, Kuya.’’

“Anong niluto mo?’’

“Sinigang na ribs ng baboy.’’

“Ang sarap nga nun ah. Tapos may sawsawang patis, na may sili at kalamansi.’’

“Oo Kuya.’’

“Sayang ah. Pero ‘di bale kakainin ko na ‘yun mamaya. Ipainit mo para mamayang lunch.’’

“Sige Kuya.’’

“Siya nga pala maghanda ka na sa pagpasok mo. Ipainit mo na lang ang ulam at mag-prepare ka na. Huwag mo na akong asikasuhin dahil okey na ako.’’

“Hindi na muna ako papasok Kuya.’’

“Bakit?’’

“Hindi kiya puwedeng iwan na mayroon kang karam­daman.’’

“Okey na ako. Don’t worry.’’

“Hindi kita iiwan, Kuya. Kasi, mag-aalala rin ako ha­bang nasa klase. Hindi rin ako makakapag-con­cen­trate dahil ang lagi kong iniisip ay baka kung ano ang nangyayari sa iyo rito. ‘Di bale nang ma-zero ako sa subject ko pero hindi talaga kita iiwan.’’

Hindi makasalita si Jonas.

Nabagbag ang kanyang loob sa sinabi ni Ziarah.

Damang-dama niya ang pag-aalala ni Ziarah. Walang pagkukunwari. Dali­say na dalisay. Ngayon lang siya nakarinig nang ganitong uri ng pag-aalala mula sa isang babae.

“E di sige kung hindi ka papasok. Kasi’y baka mayroon kang exam o recitation kaya e hindi ka makahabol.’’

“Don’t worry Kuya. Exempted ako sa exam dahil nag-top ako sa klase.’’

“Wow! Talaga!’’

“Oo Kuya. Hindi ko lang naikuwento sa’yo dahil nga ilang araw ka nang lulugo-lugo.’’

“Ganun ba? Sige, bukas e ililibre kita. Sa labas tayo kumain.’’

Hindi makapagsalita si Ziarah.

(Itutuloy)

ANG BABAE SA APARADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with