Lalaki sa India, 4 na oras pinagapang sa ulo ang 60,000 pukyutan !
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - July 1, 2020 - 12:00am

KAGILA-GILALAS ang ginawa ng 24-anyos na lalaki sa Kerala, India na pinagapang sa kanyang ulo ang may 60,000 pukyutan at tumagal ito ng apat na oras. Nakamit niya ang Guinness World Record dahil dito.

Nagmistulang nakatalukbong ng itim na kumot ang lalaki na nagpatawag sa pangalang Nature MS makaraang mapuno ng pukyutan ang kanyang ulo at pati balikat.

Sa loob ng apat na oras, hindi man lang dumaing si Nature na kinagat siya ng pukyutan.

Mula pa sa pagkabata ay lagi nang kahalubilo ni Nature ang mga pukyutan. Pitong taong gulang umano siya nang magsimulang magpagapang ng mga pukyutan sa kanyang mukha at nang tumagal, pati sa kanyang ulo.

Una niyang ginawa ay inilagay ang “reyna ng mga pukyutan” sa kanyang palad. Napuno agad ng pukyutan ang kanyang kamay sapagkat nagdagsaan doon ang mga pukyutan para protektahan ang reyna.

Sunod ay inilagay niya ang reyna sa kanyang ulo at doon naman dumagsa ang mga pukyutan. Hanggang sa matakpan ang buo niyang ulo.

Ang kanyang ama na si Sajayakumar, isang beekeeper at honey­ maker ang nagturo sa kanya para mapaamo ang mga pukyutan.

Payo raw ng kanyang ama, kumalma lang kapag nasa paligid ang mga pukyutan. Ituring daw ang mga ito na kaibigan. Hu­minga raw nang malalim at maging matiyaga sa pakikitungo sa mga pukyutan. Huwag daw magpapatalo sa takot. Basta mag-relax lang at walang mangyayaring masama sa piling ng mga pukyutan.

Payo ni Nature sa mga tao na mahalin ang mga pukyutan gaya nang pagmamahal niya sa mga ito. Mahalaga ang mga pukyutan sa buhay ng tao.

INDIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with