Ang babae sa aparador (95)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - June 30, 2020 - 12:00am

INIHANDA ni Ziarah ang mga gagamitin sa pagluluto ng chicken soup. Tamang-tama, mayroon siyang pitso ng manok. Inilabas niya sa ref at pinakuluan. Nang maluto na ay saka niya pinagpira-piraso ang laman.

Binalatan niya ang patatas at saka carrots. Hiniwa nang maliliit. Si Jonas mismo ang nag-request na patatas at carrots ang ilagay niya.

Pagkatapos ay ginisa na niya sa bawang ang hinimay na manok, patatas at carrots. Pagkatapos ay nilagyan na niya ng sabaw at saka binudburan ng asin.

Pina­kuluan niya ng limang minuto.

Ang bango!

Tinikman niya.

Ang sarap!

Tiyak na magugustuhan ni Jonas ang sabaw.

Naglagay siya sa mangkok.

Pagkaraan ay dinala na niya sa kuwarto ni Jonas.

Tulog si Jonas. Mukhang nasarapan sa madilim at malamig na kuwarto.

Ibinaba niya sa mesa ang mangkok.

‘‘Kuya, eto na ang soup. Higop ka na habang mainit,’’ sabi niya habang nasa tagiliran ng kama. 

Pero tulog na tulog si Jonas.

Ipinasya na ni Ziarah na tapikin sa braso.

‘‘Kuya, gising na! Narito na ang soup.’’

Saka lamang nagising si Jonas.

‘‘Gusto mo subuan kita, Kuya?’’

“Huwag na. Kaya ko, Ziarah.’’

Bumangon si Jonas pero nakaupo sa kama. Nakalawit ang mga paa.

Inilapit ni Ziarah ang mesa na may mangkok.

‘‘Masarap ang sabaw Kuya.’’

‘‘Sa amoy ko nga.’’

Kumutsara ng sabaw si Jonas.

Isinubo.

‘‘Ang sarap!’’

‘‘Mawawala na ang sakit ng ulo mo, Kuya.’’

“Palagay ko nga.’’

Kumutsara pa si Jonas ng sabaw.

‘‘Ang sarap talaga!’’

(Itutuloy)

BABAE SA APARADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with