^

Punto Mo

SAF at AFP, kakampi ng mga Cebuano vs COVID! – Eleazar

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa
SAF at AFP, kakampi ng mga Cebuano vs COVID! � Eleazar

ANG Special Action Force (SAF) commandos at mga sundalo na naka-deploy sa Cebu ay hindi bilang kaaway kundi kakampi sa laban vs COVID-19 pandemic. Sinabi ni Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ang hepe ng Joint Task Force COVID Shield na ang mga dagdag na pulis at militar ay isinugod sa Cebu para siguraduhin na ang mga Cebuano ay manatili sa kanilang mga bahay at maiwasan ang hindi importanteng lakad.

Matatandaan na ibinalik ni President Digong sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Cebu matapos bumulusok ang kaso ng COVID nitong nagdaang mga araw. Matapos ang deployment, naglabasan sa social media ang mga litrato ng mga pulis at sundalo, lulan ng V-150 fighting vehicle, na nagpapatrulya sa kalsada kaya’t marami ang nagsasabing na-militarize o martial law na sa Cebu. Araguuyyyy!

Ipinaliwanag naman ni Eleazar na ang mga pulis at militar ay kakampi laban sa virus na hanggang sa ngayon ay wala pang gamot.“While we do our share in fighting the coronavirus by taking every street and every border as our frontline, we expect the people to do their share by protecting their homes as their own frontline. This is our battle plan, and this is how we will win this fight,” ayon pa kay Eleazar. Hak hak hak!

Itigil na ang reklamo at imbes ay matulungan na lang para magapi ang virus. Iginiit ni Eleazar na ang “show of force” ng pulis at sundalo sa Cebu ay hindi para takutin ang mga Cebuano o kaya’y supilin ang kanilang karapatan. Ayon sa kanya, kaya sila andun sa Cebu ay para palakasin ang “frontline” sa laban vs COVID. Ang pag-deploy ng karagdagang pulis at sundalo ay naging epektibo para pigilan ang pagtaas ng kaso ng COVID, lalo na ang paglabag sa quarantine protocols, sa Luzon noong nasa ECQ pa ito kaya sinisiguro ni Eleazar na ganun na rin ang maging resulta nito sa Cebu.

Aniya, sa kanilang karanasan sa Luzon, ang unang depensa laban sa virus ay ang pag-awat sa paglabas ng mga Pinoy sa kanilang mga bahay at pagsunod sa health protocols na pagsuot ng facemask at social distancing. Kaya’t mali ang paratang na ang pagdeploy ng SAF commandos at sundalo sa Cebu ay militarization dahil hindi tamang approach ito sa laban vs COVID. Ang trabaho ng mga ito ay ipatupad ang health protocols at sawayin ang mga matitigas na ulo ng mga Cebuano para makontrol ang paglaganap ng virus, giit pa ni Eleazar. Hak hak hak!

Naglabas naman ng mga pics sa social media si kosang Brig. Gen. Maffy Bazar, ang deputy chief for administration ng Central Visayas police na nagpapakita ng malinis na kalsada na ibig sabihin hindi matigas ang ulo ng mga kapatid nating Cebuano.

Kung sabagay, humigit-kumulang 3,000 quarantine violators ang naitala ng PNP sa kainitan ng COVID noong Marso at bumaba kaagad ito sa 1,000 matapos ma deploy ang SAF at sundalo. Kasama sina SAF chief Maj. Gen. Armando Espino; Maj. Gen. Emmanuel Luis Licup, ang director for operations ng PNP; at Maj. Gen. Israel Ephraim Dickson, ang hepe ng DIPO VIsayas, inikot ni Eleazar ang Cebu nitong weekend at nagustuhan naman niya ang kanyang nakitang pagpatupad ng quarantine protocols. Abangan!

 

vuukle comment

SAF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with