_pang-masa
^

Punto Mo

Isulong, ilaban, isabatas ang House Bill 6301!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

GUSTO kong manawagan sa Kongreso lalo na sa ACT-CIS Partylist na isulong ang House Bill No. 6301 (National Sex Offender’s Registration System).

Layon ng panukalang batas na ito na irehistro, imonitor at higpitan ang kilos at galaw ng convicted suspects ng kasong rape at iba pang sexual abuse at violence.

Taong 2015 pa ito nang pangunahan ni dating ACT-CIS Rep. Samuel Pagdilao para manmanan ang aktibidades ng “sex offenders” sa komunidad nang hindi na makapambiktima pa.

Matagal nang panahon nang tinawag ang Pinas na “haven for sex offenders” dahil ang mga dayuhang sex offender, dito tumatakbo at nagtatago.

Kung maisasabatas ito, hindi rin papayagang makapasok sa Pilipinas ang mga foreign registered sex offender. Sila ay magsisilbing panganib sa komunidad sa kanilang posibleng mabibiktima, bata, matanda, babae man o lalaki.

Kung ako nga lang, diretsahan kong sasabihin – ang BITAG ay sumusuporta sa death penalty para sa mga heinous crimes katulad ng panggagahasa o rape.

Sa tagal ng programang BITAG sa larangan ng investigative journalism at public service, saksi kami sa mga paghihirap, paghihinagpis, takot at traumang sinasapit ng mga biktima.

Sa kasalukuyan, lumalaki pa rin ang bilang ng mga kababaihang nabibiktima ng pang-aabusong sexual.  Ang masaklap, hindi lahat ng nang-abuso o suspek ay nananagot sa batas.

Kaysa naman kung anu-ano ang kinikiyaw-kiyaw ng mga Angkas Sakay Sawsaw (A-S-S) na mga personalidad at pulitiko, suportahan ang panukalang ito.

Gisingin ang mga tolongges na mambabatas para maisulong ang mga ito na puprotekta sa mga totoong biktima at posibleng magiging biktima pa sa komunidad.

Ilaban n’yo ‘to!

HOUSE BILL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with