^

Punto Mo

Lalaki sa Austria, pinagmulta dahil sa pag-utot sa harap ng mga pulis

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

PINAGMULTA ng mga pulis sa Austria ng 500 euros ang isang lalaki matapos siyang umutot nang malakas sa harap ng mga ito.

Ipinagtanggol naman ng mga police ang napakalaking multa na kanilang ipinataw. Sinadya raw kasi ng lalaki ang pag-utot dahil iniangat pa nito ang kanyang puwitan mula sa pagkakaupo.

Nagreklamo naman ang lalaki sa naging parusa sa kanya, na masyado raw mabigat para sa kasalanang ini­aakusa sa kanya.

Ayon naman sa mga pulis, mahahalata raw sa kilos ng lalaki ang kawalan nito ng kooperasyon sa mga pulis at kagustuhan nitong sumuway sa kanilang mga ipinag-uutos kaya nararapat lamang ang mabigat na multang ipinataw nila.

May ka­rapatan din naman daw ang lalaki na kuwestiyunin ang multa sa korte, dagdag pa ng mga pulis.

AUSTRIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with