^

Punto Mo

Pasig shabu ‘tiangge’ operator Boratong, nadale ng COVID?

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

ANG itinuturong operator ng Pasig City shabu tiangge na si Amin Imam Boratong ay sumakabilang buhay na. Sinabi ng mga kosa ko na si Boratong, na nakakulong sa maximum compound ng New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City, ay nadale ng COVID-19. Si Boratong ay isang Muslim kaya wala pang linaw kung siya ay na-cremate o inilibing alinsunod sa relihiyon niya. Matatandaan na napabalitang marami sa mga preso sa NBP ay tinamaan ng COVID at tahimik si Bureau of Corrections (BuCor) chief Gen. Gerald Bantag ukol dito. Kaya sori na lang mga kosa kung hindi natin malaman kung paano dinapuan ng COVID si Boratong eh ang huling balita ay nakakulong at bantay sarado ito kasama ang ilan pang bigtime drug lords sa maximum compound ng NBP. Maging si NCRPO chief Maj. Gen. Debold Sinas ay nagsabing nakarating din sa kanya ang balitang na-virus si Boratong. Araguuyyy! Mahiwaga talaga ang buhay ni Boratong na milyones ang transaction sa kanyang bank book noong kainitan ang negosyo niyang shabu, di ba mga kosa?

Si Boratong, kasama ang partner na si Sheryl Molera at mahigit 100 katao ay naaresto ng government agents na sumalakay sa tinatawag na shabu tiangge na matatagpuan sa Mapayapa Compound sa Bgy. Sto. Tomas, Pasig City noong Hunyo 2007. Ang prosecution witness na si Samer Palao, bago isalang sa korte, ay nakausap ko habang nakatago sa SAF headquarters sa Sta. Rosa, Laguna, mismong sa kuwartong inokupa ni dating Pres. Erap Estrada. Malaki ang papel na ginampanan ni Palao para hatulan ni Judge Abraham Borreta, ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 154 ng habambuhay na pagkabilanggo sina Boratong at Molera. Si Boratong ay ikinulong sa NBP samantalang si Molera naman ay sa Women’s Correctional sa Mandaluyong City. Hak hak hak! Hindi talaga magbubunga ng maganda ang kasamaan, ‘no mga kosa? Tumpak!

Matapos makulong si Boratong, inisa-isa ng mga opisyales ng Eastern Police District, lalo na noong panahon ni EPD director Romulo Sapitula, ang mga alipores niya. Marami ang naaresto ni Sapitula at ang iba naman ay lumipat sa ibang lugar tulad ng Mindanao, dahil sa sobrang init nila. Ang medyo matibay at magaling umiwas sa dragnet ng pulisya ay ang pamangkin ni Boratong na si alyas MacMac na hanggang sa ngayon ay hinahanting pa. Araguuyyy! Pasasaan ba’t makokorner din ng mga ahente ng gobyerno si MacMac, di ba mga kosa?

Ang shabu tiangge ay ginamit na isyu ni Pasig City Mayor Vico Sotto laban sa katunggaling si ex-Mayor Bobby Eusebio noong nakaraang election, kaya’t naitsa puera ang mga Eusebio sa Pasig, di ba Ma’m Lolit? Lumalakas ang ugong na sasabak na uli si Bobby sa susunod na halalan at babantayan natin mga kosa kung epektib na isyu pa itong shabu tiangge laban sa kanya sa ngayong tigok na si Boratong. Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Abangan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with