^

Punto Mo

Mga Pinoy, ‘burnout’ na sa COVID?

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

SA sobrang haba na nitong COVID-19 pandemic, aba maraming mga Pinoy ang nakaka-experience ng pagod o “qua-rantine burnout” na maaaring magdulot ng pagka-balewala nila ng mga safety health protocols na pinaiiral ng gobyerno. Ang dahilan ng quarantine burnout ay ang tuluy-tuloy na warnings ng gobyerno ni President Digong sa sakit na COVID.

Ang mga nagkaka-burnout ay hindi na papansinin ang COVID at magkumpul-kumpol ang mga ito sa inuman, magsasabong, at umalis sa bahay na walang suot na face mask. Araguuyyyy!
Iginiit ni Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ang hepe ng Joint Task Force Covid Shield na kahit “new normal” na sa ngayon, abnormal pa rin ang sitwasyon dahil sa wala pang vaccine ang COVID.

  Hinikayat ni Eleazar ang mga Pinoy na ugaliin na ang pagsuot ng face mask at pairalin ang social distancing para maging ligtas sila at ang kanilang pamilya sa banta ng virus.

Napupuna naman sa social media ang ilang insidente ng violations sa health protocol, lalo na kapag walang bantay na pulis. Hak hak hak! Dahil sa katigasan ng ulo ng mga Pinoy kaya tumataas ang bilang ng dinapuan ng COVID sa bansa! Hehehe! Labas pa more!
Kung sabagay, maging ang kapulisan, na mga frontliners din sa pakikibaka vs COVID, ay maaari ring magka-burnout. Kasi nga halos, tatlong buwan nang nasa kalye ang mga pulis at siyempre malakas ang banta sa kanila ng COVID, pati na sa kanilang pamilya. Sa datos ng Philippine National Police aabot na sa 382 PNP members ang positibo sa virus at lima na ang nalagas. Dahil tao lang sila, hindi maialis sa kanila na mag-isip tungkol sa kaligtasan nila at ng kanilang pamilya sa panahon ng COVID.

Ika nga stressful ito at may posibilidad pa na dapuan sila ng depression, di ba mga kosa? Ang masakit pa, kahit puspusan ang trabaho nila sa kalye, aba tinutuligsa kaagad silang lahat na naka-uniporme sa pagkakamali ng iilang miyembro nila. Araguuyyyy! Hak hak hak! Puro batikos na lang ang laman ng social media vs PNP kaya malaki ang posibilidad na ma-burnout sila, di ba mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! 
Sinabi ni Eleazar na para hindi naman ma-burnout ang mga pulis, nagkaroon ng regular rotation ang deployment nila nang sa gayon makapagpahinga rin sila at makapiling ang kani-kanilang pamilya.

Iwas sa burnout, ha mga kosa?

Ayon naman sa health experts, ang quarantine burnout ay maaring maging dahilan upang lalong tumaas ang COVID cases sa bansa dahil maraming Pinoy ang makakalimot nang alagaan ang kanilang kalusugan. Inihalintulad ni Eleazar ang coronavirus sa isang kriminal, kung saan aatake lamang ito kapag ibinaba ng mga Pinoy ang kanilang depensa vs COVID. Get’s n’yo mga kosa? Kaya ang panawagan ni Eleazar sa mga law enforcers huwag mag-relax sa pagpatupad ng health protocols, lalong palakasin ng mga Pinoy ang kanilang immune system, at maging safety conscious sila sa lahat ng oras habang kumakalat pa ang virus. Kaya natin ‘to mga kosa! Huwag bumitaw! Abangan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with