^

Punto Mo

Separation pay, paano ba kinokompyut?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Natanggal na po ako sa trabaho matapos lamang po ng dalawang taon at limang buwang serbisyo. Gusto ko lang po sanang malaman kung paano ba kinokompyut ang separation pay para masigurado kong tama ang ibibigay ng kompanya sa akin. –Jesse

Dear Jesse,

Ang kompyutasyon ng separation pay ay naka-depende sa dahilan ng iyong pagkakatanggal sa trabaho.

Unang-una, hindi ka makakatanggap ng separation pay kung ikaw ay tinanggal bunsod ng tinatawag na “just cause” o iyong dahil sa kasalanan ng empleyado katulad ng paggawa ng krimen, hindi pagsunod sa utos ng mga nakatataas, o lubhang pagpapabaya sa trabaho.

Makakatanggap ka naman ng separation pay kung ikaw ay natanggal dahil sa mga tinatawag na authorized cause na kadalasan ay ginagawa upang makabawas ng mga gastusin nito. Kabilang sa mga tinatawag na authorized cause ang retrenchment o pagtatanggal dahil sa pagkalugi, pagkatanggal dahil sa sakit na hindi maaring magamot sa loob ng anim na buwan, at pagsasara ng negosyo na hindi dahil sa lubhang pagkalugi.

Kung ang dahilan ng iyong pagkakatanggal ay isa sa tatlong ito, makakatanggap ka ng one-half (1/2) pay sa bawat taon ng iyong serbisyo samantalang bibilangin naman na isang buong taon ang anim na buwan o higit pang serbisyo. Sa iyong sitwasyon, makakatanggap ka ng katumbas sa isang buwang sahod bilang iyong separation pay dahil sa tig-kalahating buwan na sahod para sa dalawang taong serbisyo mo. Hindi naman mabibilang sa kompyutasyon ng separation pay mo ang sobrang limang buwan dahil katulad ng nabanggit, anim na buwan dapat o higit pa ang ipagpapalagay na isang buong taong serbisyo.

Kung ang dahilan naman ng iyong pagkakatanggal ay dahil sa paglalagay ng mga tinatawag na labor-saving devices o ng bagong teknolohiya na maaring gumawa ng trabaho ng manggagawa, redundancy o dahil sa labis na bilang ng mga manggagawa, authorized cause din na matatawag ang mga ito ngunit isang buwang sahod naman ang matatanggap mong separation pay sa bawat taon ng iyong naging serbisyo. Base sa itinagal mo sa serbisyo, makakatanggap ka ng katumbas sa dalawang buwang sahod bilang separation pay kung ang mga nabanggit ang naging dahilan ng iyong pagkakatanggal.

vuukle comment

SEPARATION PAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with