^

Punto Mo

Ang babae sa aparador (72)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

GIMBAL na gimbal si Ziarah sa nakita sa iba-baw ng kama!

Hindi tulog sina Jonas at Kat! Mayroon silang ginagawa!

Nasa ibabaw ni Kat si Jonas!

Iyon ang dahilan nang banayad na lindol.

Ipinikit na lang ni Ziarah ang mga mata para hindi makita ang nagaganap. Para kasing napakahalay para sa katulad niyang babae na masaksihan ang isang hindi kanais-nais na tanawin.

Parang hindi niya kayang pagmasdan.

Subalit malakas ang utos ng kanyang utak na nagsasabing tingnan ang nangyayari.

Huwag maging ipokrita sa katotohanan!

Muli niyang iminulat ang mga mata at sa malamlam na liwanag na dulot ng lampshade na nasa sulok ng kuwarto, nabanaagan niya nang husto ang ginagawang seremonyas. Masyadong abala ang dala-wang anino sa ibabaw ng kama. Tahimik na tahimik habang isinasagawa ang sere­monyas. Sagradung-sagrado ang mga sandali.

Lalo pang nagimbal si Ziarah sa mga sumunod na tanawin. Iyon ang hindi niya inaasahan.

Nakita niya si Kat sa iba­baw ni Jonas!

Walang patlang ang pag-indayog nito. Tila ba walang ka-paguran. Walang pagkasawa.
At wala naman siyang nakikitang pagkilos ni Jonas. Nagpapaubaya.

Hindi matagalan ni Zia­rah ang tagpong iyon. Bilang babae, nahihiya siya. Hindi niya kaya ang ganung tanawin.

Kahit sabihin pang ipo­krita siya, hindi niya ma­tatagalan. Parang narurumihan siya.

Dahan-dahan niyang isi­nara ang pinto ng aparador.

Bumalik siya sa dating pagkakaupo at pumikit. Pinilit niyang makatulog. Baka paggising niya, mayroon na siyang magagawa para makalabas ng aparador.

Baka tapos na ang dalawa at natutulog na. Maaari na siyang makatalilis.

Nakatulog si Zia­rah. Mahimbing na mahimbing.

Hanggang sa ma-gising siya na may nagbubukas ng pinto ng aparador. (Itutuloy)

vuukle comment

BABAE SA APARADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with