^

Punto Mo

Pagsigaw sa roller coaster, planong ipagbawal ng amusement parks sa Japan dahil sa banta ng COVID-19

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

KAILANGAN nang manahimik ng mga sasakay sa mga roller coaster sa Japan kahit ano pang excitement ang kanilang madama mula sa pagtaas-baba ng kanilang sinasakyang ride.

Upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19, ipagbabawal na kasi roon ang pagtili ng mga nakasakay sa roller coasters, ayon sa bagong patakaran na inilabas ng East Japan at West Japan Theme Park Associations.

Ang mga nabanggit na grupo ang kumakatawan sa mga pangunahing theme parks sa buong Japan katulad ng Tokyo Disneyland at Universal Studios Japan.

Bukod sa pagbabawal sa kanilang sumigaw habang nakasakay ng roller coaster ay kailangan ding magsuot ng mga riders ng face masks ayon sa panuntunang inilabas ng organisasyon upang labanan ang banta ng COVID-19.

Nangangamba kasi ang mga nagpapatakbo ng theme park na mabilis kakalat ang coronavirus mula sa mga maliliit na patak ng laway na manggagaling sa bibig ng mga sisigaw mula sa excitement. Dahil sa napakabilis na takbo ng roller coaster, siguradong diretso raw sa mga pasaherong nasa likuran ang mga maliit na patak na ito.

Sa ngayon, sarado sa publiko ang mga theme parks sa Japan at wala pang katiyakan kung kailan muli magbubukas ang mga ito sa kabila ng pag-alis ng nationwide state of emergency doon.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with