^

Punto Mo

Importers, lugmok sa hirap sa taga-BOC!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

WARAT ang bulsa ng 400 accredited importers at consignee na nagpapasok ng mga shipment sa Bureau of Customs dahil sa hindi makatwirang sistema ng BOC. Marami sa mga nagpaparating ng mga shipment, na naglalaman ng hardwares at construction materials, ay na-revoke ang lisensiya nitong nagdaang mga araw sa kadahilanang non-existing kuno ang mga address nila. Ito ay matapos mag-inspection ang BOC at Coast Guard sa mga ibinigay na address ng mga importers at consignee ng shipment na dumating sa pantalan at maraming negosyante ang umangal sa sistema nila.

Dapat pakialaman at ayusin ni President Digong ang problemang ito habang isinusulong niya na ibalik ang sigla ng ekonomiya ng bansa. Dapat magkaroon ng win-win solution sa problema para hindi naman mapahirapan ang mga importers at consignee sa maling bintang sa kanila. Araguuyyyy!

Dahil ang Mayo ay kasagsagan ng lockdown na iniutos ni Digong dahil sa COVID-19 pandemic, siyempre sarado ang mga opisina ng mga importers at consignee nang magsagawa ng inspection ang taga-intel ng BOC at Coast Guard. Sana inabisuhan ng inspection team ang mga negosyante para buksan nila ang kani-kanilang opisina at tanggapin o harapin ang mga ito para mapakinggan naman ang panig nila kapag may problema.

At dahil walang tao ang mga opisina, aba inirekomenda kaagad ng BOC-Accounts and Management Office ang pag-revoke ng lisensiya ng importers at consignee kay Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero kahit hindi man lang nirebisang maigi ang report ng inspection team. Ang lufeetttt, no mga kosa? Hak hak hak! Kung sabagay, may mga kaso talagang ang address ng shipment ay peke! Tumpak!

Kapag na-revoke ang license mo, ang shipment mo ay i-abandon sa loob ng 24 hours na dumating ito. At para ma-cancel ang revocation ng license, kailangan ng negosyanteng mag-file ng motion for reconsideration sa pamamagitan ng email o Customs Portal. Siyempre, sa pagbaba sa general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila noong Hunyo 1, karamihan sa apektadong importers at consignee at nag-file ng MR subalit wala pang kasagutan ang BOC hanggang sa ngayon sa kahinanatnan ng negosyo ng mga ito. Araguuyyyy! Hak hak hak! Puwede palang ma-revoke ang license mo sa BOC kahit wala kang kasalanan ‘no mga kosa?

Ang siste, habang tumatagal ang proseso sa BOC, nalulugi naman ang mga importers at consignee dahil nagbabayad sila ng P1,078 sa arrastre terminal kada araw bilang storage fee, samantalang P3,000 hanggang P5,500 naman ang sa demurrage fee sa shipping lines. Araguuyyyy! At kahit mapatunayan nilang wala naman silang violation, i-reinstate lang ng BOC ang kanilang license subalit itong importers at consignee pa din ang magbabayad ng storage at demurrage charges. Hak hak hak! Sobrang pahirap na talaga ang ginagawa ng BOC a mga negosyante kahit nakakatulong pa sila sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa. Abangan!

vuukle comment

BOC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with