^

Punto Mo

Ang babae sa aparador (70)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINAWI ni Ziarah ang mga naka-hanger na damit sa loob ng aparador at mabilis na pumasok doon. Isinara niya ang pinto. Mabuti na lamang kabisado niya ang loob ng aparador dahil madalas niya itong nililinis. Kabisadung-kabisado nga niya ang laki ng aparador at alam niyang kasya siya roon.

Naupo siya sa pinakasulok ng aparador. Luwag pa nga siya.

Madilim sa loob pero kaya niya at agad na nag-adjust ang kanyang paningin.

Nakakahinga siya nang maluwag sa loob. Hindi rin naman mainit. Tama lang temperature. Mamaya, kapag binuksan ang aircon mas lalong gaganda ang temperature.

Dinukot niya ang cell phone sa bulsa. Inilagay niya sa mute at baka biglang tumunog ay marinig ni Kat.

Nagtataka pa rin siya kung bakit hindi siya tinext ni Jonas para ipaalam na darating siyang kasama si Kat.

Kung nai-text sa kanya, hindi ganito ang sitwasyon. Hindi siya nataranta at nabuksan niya ang sariling kuwarto. Hindi sana siya nagtatago sa aparador.

Ang dinadasal niya ay huwag sanang buksan ni Kat ang aparador. Baka maisipan ni Kat na i-hang ang damit nito sa loob. Kapag ginawa iyon, baka makita siya ni Kat. Mabibisto na ang lihim ni Jonas.

Maya-maya pa, narinig niya ang ingay sa labas ng aparador. Mukhang pumasok na sina Jonas at Kat.

Hindi humihinga si Zia­rah. Kinakabahan siya.

Maya-maya narinig niyang humahalakhak si Kat. Parang halakhak ng harot.

Maya-maya pa narinig niya ang nang-aakit ang boses ni Kat.

Hanggang sa maramdaman niya na tila dinamba ni Jonas si Kat. Yumanig nang bahagya. Maaaring nasa kama ang dalawa at doon nagdadambahan.

Ipinikit ni Ziarah ang mga mata. Pinipilit niyang makaidlip. Pero hindi niya magawa.

Sa lapit ng distansiya ng aparador at kama, halos dinig na dinig niya kung ano ang nangyayari.

Napahinga siya pero pigil na pigil.

Paano kaya siya makakalabas na hindi makikita ni Kat.

Kailangan, hintayin niyang makatulog ang dalawa. Pero paano niya malalaman kung tulog na ang mga ito?

Sisilipin niya.

(Itutuloy)

vuukle comment

BABAE SA APARADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with