^

Punto Mo

EDITORYAL - Ideport, illegal Chinese sa POGO

Pang-masa
EDITORYAL - Ideport, illegal Chinese sa POGO

MULA Abril hanggang Mayo, na nasa ilalim ng community quarantine ang bansa, nagsa­sagawa ng illegal POGO (Philippine Offshore Gaming Operations) ang mga Chinese sa iba’t ibang lugar sa bansa. Ayon sa report, umabot na sa mahigit 200 illegal Chinese workers ang naaresto at nakumpiska sa kanila ang maraming laptops, gadgets at malaking halaga ng pera. Bukod sa mga ito, nahulihan din sila ng mga matataas na kalibre ng baril.

Noong Abril 25, naaresto ang 44 Chinese sa Parañaque na nag-ooperate ng illegal POGO. Noong Mayo 5, naaresto ang 63 Chinese sa Bgy. Olympia, Makati City na nag-ooperate rin ng illegal POGO at noong Mayo 30, naaktuhan ang 92 Chinese sa isang motel sa Bacoor, Cavite na ginawang POGO hub.

Mula nang maaresto ang mga illegal Chinese, wala nang naireport sa mga ito kung nasaan na. Hindi malaman kung nakakulong ba sila o pakalat-kalat pa sa bansa.

Habang marami ang sinasalakay na illegal POGO operations, sunud-sunod din ang mga sinasalakay na mga “illegal Chinese clinic” na ang ginagamot ay mga Chinese na infected ng COVID-19. May mga clinic na sinalakay sa Makati at Parañaque. Ang mga clinic ay may mga gamit na pang-test sa COVID-19 at maraming gamot na ang label ay naka­sulat sa Chinese. Walang permit ang mga clinic. Kinumpirmang ang mga ginagamot sa clinic ay mga Chinese na infected ng COVID-19.

Ang pinakamalaking clinic na sinalakay ng mga pulis ay ang nasa loob ng Fontana Leisure Park sa Clark, Pampanga. May pitong kama ang pasilidad at kumpleto sa gamit para sa pagsusuri at pag-test sa mga may COVID-19. Pawang Chinese rin ang gina­gamot. Walang maipakitang permit ang mga Chinese na nag-ooperate ng clinic. Nasa 500 Chinese ang nahuli sa loob at umano’y mga illegal POGO workers ang mga ito. Itinanggi ng Fontana na may kinalaman sila sa operasyon ng Chinese clinic.

Malaking katanungan kung nasaan na ang mga naarestong Chinese? Dapat sa kanila, ideport agad. Kung gaano sila kabilis nakapasok sa bansa dapat ganundin sila kabilis sipain!

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with