Ang babae sa aparador (68)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - June 3, 2020 - 12:00am

“SAAN mo inilagay?’’ tanong ni Kat na ang boses ay hindi masyadong apektado sa nawawalang cell phone ni Jonas.

“Alam ko narito sa bulsa ko. Pero wala na ngayon. Hindi ko maalala kung saan ko nailagay.”

“Hayaan mo na ‘yun!’’

“Baka naiwan ko sa opi­­sina. Nagmamadali kasi akong umalis nang bigla mo akong tawagan kanina.’’

“Kasalanan ko pa yata ngayon ang pagkawala ng cell phone, ha-ha-ha!’’

“Hindi naman. Nanginig kasi ako nang tawagan mo kanina. Nasabik, he-he-he!’’

“Huwag mo nang hana­pin ang CP mo. Mas maha­laga ako kaysa roon.’’

“Siyempre naman. Nasabi ko lang naman dahil wala akong nakapa sa bulsa ko,” sabi ni Jonas pero ang totoo, kumakabog ang dibdib niya dahil paano niya maiti-text si Ziarah para sabihing kasama niya si Kat. Baka mabisto ni Kat na mayroon siyang kasama sa bahay --- at babae pa! Ma­laking gulo kapag duma­ting sila sa bahay at nakitang may babae roon. Panay ang lunok niya ng laway. Kung bakit kasi nalimutan niya ang cell phone! Kung alin ang pinakamahalaga, ‘yun pa ang nalimutan niya!

“O bakit tila nakatunga­nga ka, Jonas? Iniisip mo pa rin ang cell phone?’’ Tanong ni Kat.

“Hindi.’’

“Anong iniisip mo?’’

“’Yung mga gagawin natin mamaya sa bahay pagda­ting natin.’’

Kinurot siya ni Kat sa may singit at muntik nang may matamaan. Kapag nag­lalambing sa kanya si Kat ay paborito siyang kurutin sa singit.

“Aray!’’ sabi niya at bahag­yang napaiktad.

Napahagikgik si Kat.

“Tara na!” Sabi nito.

Tinungo nila ang parking area na kinaroroonan ng sasakyan ni Jonas.

Nang makasakay na, nag-alala muli si Jonas. Baka pagdating nila sa bahay ay bukas ang ilaw at nasa salas si Ziarah. Matalas ang mata ni Kat at baka mapansin na bukas ang ilaw. Naidalangin ni Jonas na sana ay walang ilaw sa salas o kahit saang parte ng bahay. At sana tulog na si Zia­rah sa kuwarto nito.

“Tayo na, Jonas! Natiti­gilan ka na naman!’’

“Iniisip ko kasi kung ano ang mga gagawin ko sa’yo mamaya. Pinaplano ko na kung paano kumain…’’

“Kumain ng ano?’’

“Tahong…’’

Kinurot uli siya ni Kat sa may singit at muntik na namang may mahagip dun. Ga-buhok!

Pinaandar niya ang kotse at pinasibad.

Muli ay naidalangin niyang sana ay walang bukas na ilaw at tulog na si Ziarah sa kuwarto nito.

Makalipas lang ang 20 minuto ay nasa harapan na sila ng bahay. Napangiti si Jonas sapagkat patay lahat ang ilaw sa kabahayan.

Ipinasok niya ang kotse sa garahe.

Samantala, naalimpungatan si Zia­rah habang natutulog sa sopa sa salas.  Narinig niya ang ingay ng kotse.

Bumangon siya at sumilip.

Nakita niya na bumababa sa kotse sina Jonas at Kat.

Bakit hindi siya tinext na kasama si Kat?

(Itutuloy)

 

 

BABAE SA APARADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with