^

Punto Mo

EDITORYAL - Pangako ng DepEd sa students na walang gadgets

Pang-masa
EDITORYAL - Pangako ng DepEd sa students na walang gadgets

HUWAG mag-alala ang mga estudyanteng walang gadgets sapagkat makakasunod pa rin sila sa bagong pamamaraan ng pagtuturo kahit na walang gadgets ngayong pasukan na magsisimula sa Agosto 24. Sinabi ng Department of Education (DepEd) sa mga magulang na hindi na kailangang bumili ng gadgets para sa kanilang mga anak sapagkat mamamahagi sila ng printed materials o modules para makasunod ang mga ito sa mga itinuturo. Ang mga printed modules ay dadalhin mismo ng DepEd sa bahay ng mga estudyante.

Ayon kay DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan, hindi dapat mamroblema ang mga magulang na walang ibibili ng laptops, tablets at smartphones sapagkat ang DepEd ay magpo-provide ng mga modules na pag-aaralan ng mga estudyante sa tulong na rin ng mga magulang nito. Ang magulang ang gagabay sa anak sa pagbabasa ng modules. Ayon pa kay Malaluan, bawat buwan, idedeliber ng mga guro sa bahay ng estudyante ang printed modules.

Niliwanag ng DepEd na hangga’t may panganib sa mga mag-aaral ang virus na hatid ng COVID-19, walang face-to-face classes na mangyayari kaya blended learning ang ipaiiral. Unang nagpahayag si President Duterte na hindi siya payag na buksan ang klase hangga’t walang natutuklasang bakuna para sa COVID-19. Masyadong mapanganib aniya para sa mga estudyante ang virus kaya gusto niyang suspendido muna.

Ngayong siniguro ng DepEd na kahit na walang gadget ang mga mahihirap na estudyante ay makakasunod pa rin ang mga ito dahil sa ipamamahaging modules, maaaring matahimik na ang kalooban ng mga magulang. Siguruhin naman sana ng DepEd na maideliber ang modules sa tamang panahon at kahit nasaang lupalop ang estudyante. Kapag hindi naideliber ang modules sa tamang oras, ang mga bata ang kawawa. Maiiwan sila sa kangkungan at ang mga may gadgets lang ang magtatagumpay.

vuukle comment

GADGETS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with