^

Punto Mo

Ang babae sa aparador (67)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINIHINTAY ni Ziarah si Jonas dahil mayroon itong mahalagang sasabihin tungkol sa kukuning kurso sa kolehiyo. Sasabihin niya kay Jonas na hindi na Information Technology o IT ang kukunin niya kundi pang-two year course na lang na may kinalaman din sa computer operation and repair. Mas maganda at praktikal iyon kaysa kumuha ng apat na taong course na ang babagsakan ding trabaho ay ang pagkukumpuni ng computer.

Isa pa, kung four year course ang kukunin niya, marami pa siyang requirements na kailangang i-accomplished dahil sa pagkakaroon ng senior high school. Sila ang last batch ng high school bago ipinatupad ang pagkakaroon ng senior high school. Nang maka-graduate siya ng high school saka naman yumao ang kanyang mahal na ina. At hindi na nagkaroon ng pagkakataon na makapagkolehiyo dahil nga minamaltrato siya at pinag-iinteresan ng manyakis na amain.

Kaya nga nang makaki­ta siya ng pagkakataong makatakas ay sinamantala na niya. Dahil matagal na niyang plano ang pagtakas, laging nakahanda ang kanyang mga school documents, birth certificate, IDs at iba pa.

Inilagay niya iyon sa isang plastic na supot at nasa tabi ng kanyang higaan. Nang tumakas siya, ‘yun lamang ang tanging dala niya. Hindi na siya nagdala ng damit dahil makakaabala lang sa kanyang pagtakas.

At suwerte naman niya dahil si Jonas nga ang nahingian niya ng tulong at nakarating siya rito sa Maynila.

Masuwerte siya sapagkat napakabait ni Jonas na hindi ibang tao ang turing sa kanya.

Ngayon nga ay ang pag-aaral naman niya ang gustong matupad ni Jonas. Gusto siyang pagtapusin sa kolehiyo. Humanga kasi ito sa kanya dahil sa bilis niyang matuto sa paggamit ng computer.

At kaya nga niya ito hinihintay ngayong gabi ay para sabihin na pang-two-year course na lang ang kukunin niya.

Pero mukhang gagabihin si Jonas.

Ipinasya ni Ziarah na hintayin si Jonas. Sa sopa na lang sa salas siya humiga habang hinihintay si Jonas. Pasado alas diyes na ng gabi. Hindi pa naman siya inaantok. Nasa tabi niya ang cell phone.

SAMANTALA, nang mga sandaling iyon ay tapos na sa pagkain sa Japanese restaurant sina Jonas at Kat.

Nagyaya na si Kat.

‘‘Tena na, Jonas.’’

‘‘Saan mo gusto? Sa bahay ko o sa suite ng hotel?’’

‘‘Sa bahay mo siyempre!’’

‘‘Okey kung yang gusto mo.’’

Binayaran ni Jonas ang kinain nila at lumabas na sila.

Nang may maalala si Jonas. Kailangan nga palang i-text niya si Ziarah.

Kinapa niya ang cell phone sa bulsa. Wala! Kinapa uli. Wala talaga!

Nagtaka si Kat.

‘‘Bakit, Jonas?’’

‘‘Wala ang cell phone ko!’’ (Itutuloy)

 

vuukle comment

BABAE SA APARADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with