1 litrong lemon juice, inubos ng lalaki sa loob ng 17 segundo para sa world record
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - June 2, 2020 - 12:00am

ISANG lalaki sa Idaho ang nagkamit ng world record matapos niyang inumin ang 1 litrong lemon juice gamit ang straw sa loob lang ng 17 segundo.

Tumagal lang ng 16.53 seconds ang pag-ubos ni David Rush sa isang dambuhalang baso ng 100 porsiyentong lemon juice.

Naungusan ni Rush ang dating record na 17.12 se-conds na naitala ni Andre Ortolf.

Bagama’t naiwasan daw ni Rush ang pagsusuka matapos niyang ubusin sa isang upuan ang 1 litro ng lemon juice, hindi naman naiwasan ng kanyang tiyan na sumakit hanggang sa sumunod na araw.

Hindi ito ang unang world record ni Rush, na sa kasalukuyan ay nasa 100 na ang hawak na Guinness World Records.

WORLD RECORD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with