^

Punto Mo

Balita noon na hindi kumalat

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Noong 1978, nadiskubre ng isang architectural student na ang isang mataas na building sa New York ay malaki ang posibilidad na maguho sa isang napakalakas na hangin. Sa pagtutulungan ng engineer na nagdisenyo ng building na nabanggit at ng New York Police Department, isinagawa ang repair tuwing gabi nang hindi nalaman ng publiko. Inilihim ang pagre-repair upang hindi magdulot ng panic sa mamamayan.

• Noong Vietnam War, tinataasan ng mga university at college professors ang grade ng mga estudyante lalo na ng mga lalaki upang lumiit ang tsansa nilang matawag sa military para magserbisyo. Kapag bagsak  o mababa ang grade ng mga lalaking estudyante, sila ay pinatitigil sa pag-aaral para isabak sa giyera.

• Sa set ng pelikulang “Kill Bill”, pinilit ng director na magmaneho ng kotse sa isang delikadong eksena si Uma Thurman. Marunong magmaneho si Thurman ngunit nagdalawang isip siya dahil alam niyang hindi ganoon  ka-safe ang gagamiting kotse. Mapilit ang director na si Quentin Tarantino kaya’t napilitan itong sumunod. Nag-crash ang kotse. Permanenteng naperwisyo ang leeg at tuhod niya.

• Ang requirement para malagyan ng tag na “Made in America” ang isang produkto ay : 1) kailangang ginamitan ng 50 percent American material at 2) sa USA isinagawa ang final assembly.

• Ang lotto ay ipinagbabawal sa Nevada dahil ayaw ng gobyerno na may kakumpitensiya ang kanilang gaming industry sa nasabing state.

• May teorya ang mga babaing nagtatrabaho sa garment recycling industry sa India na mas nakakatipid na bumili ng bagong damit kaysa labhan ang nagamit nang damit. May water shortage kasi sa kanila kaya lalabas na mas magastos maglaba ng damit kaysa bumili ng bagong isusuot. Ang mga itinapon na damit ay niri-recyle at ginagawang sinulid.

vuukle comment

BALITA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with