^

Punto Mo

Ang babae sa aparador (66)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

GULAT na gulat si Jonas sa biglang pagtawag ni Kat. Nasa opisina siya at may tinatapos na trabaho nang biglang tumawag at sinabing magkita sila.

Pasado alas nuwebe na ng gabi at siya na lamang ang nasa opisina. Madalas ay ginagabi siya dahil sa isang malaking proyekto ng kanilang kompanya. Siya ang inatasan para sa proyekto at pinaghuhusayan niya sapagkat malaki ang kompanyang iyon na nasa linya ng mga malls at condominium. Isa sa mga pinakamalaki nilang proyekto kaya ayaw niyang mapahiya.

Napangiti si Jonas sa pagtawag ni Kat. Ngayon lang ito tumawag ng ganitong dis-oras ng gabi.

Madalas ay tumatawag ito ng bago mag-alas singko ng hapon. Pero ngayon ay pasado alas nuwebe.

Mukhang na-miss din siya nang todo ni Kat kaya kahit gabing-gabi na ay tinawagan siya.

Sa isang Japanese restaurant sa Makati Avenue sila magkikita. Tamang-tama dahil malapit na lang iyon sa kanilang opisina.

Dali-dali niyang iniligpit ang mga gamit at umalis.

Tiyak na kakain muna sila ni Kat sa paboritong restawrant.

Mas nauna siya sa pagdating sa restaurant. Pero pagkalipas ng limang minuto, dumating na si Kat. Naka-shorts at shirt. Napakaseksi ni Kat. Lalong na-excite si Jonas.

Tumayo siya at hinalikan si Kat nang lumapit.

Umorder agad sila ng paboritong Japanese food.

Habang hinihintay ang order, nagkukuwentuhan sila.

“Ang ganda mo Kat.’’

“Dati na akong maganda.’’

‘‘Miss na kita.’’

“Ako rin miss na kita.’’

“Saan mo gustong pumunta pagkatapos nating kumain.’’

“Sa bahay mo.’’

Napatango si Jonas.

‘‘Walang problema.’’

Nang mga sandali namang iyon ay hindi mapakali si Ziarah sa paghihintay kay Jonas. Mayroon kasi siyang sasabihin dito.

Ba’t kaya ang tagal ni Kuya Jonas? (Itutuloy)

vuukle comment

BABAE SA APARADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with