Unggoy, ninakaw ang blood samples ng mga pasyenteng may COVID-19 sa India
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - June 1, 2020 - 12:00am

SINALAKAY ng isang unggoy ang lab technician na may dalang mga blood samples habang nasa campus ng medical school sa Uttar Pradesh, Northern India at tinangay ang tatlong vials. Ang blood samples ay mula sa mga pasyenteng may COVID-19.

Ayon sa technician, naglalakad siya sa campus ng government-run Lala Lajpat Rai Memorial Medical College nang salakayin ng unggoy at agawin ang blood samples.

Mabilis umanong nagtungo sa kakahuyan ang unggoy at umakyat sa isang puno habang hawak ang mga vial ng blood samples.

Ayon sa lab technician, kinunan niya ng video mula sa kanyang cell phone ang unggoy habang nasa itaas ng kahoy at hawak ang vials.

Pagkatapos makunan ng video, saka lamang niya ipinagbigay-alam sa mga awtoridad ng medical school ang pangyayari at saka lamang nila hinanap ang unggoy pero hindi na ito natagpuan.

Ayon sa report, pinagpapaliwanag na ng school authorities ang technician kung bakit naagaw sa kanya ng unggoy ang blood samples at bakit sa halip na humingi ng tulong ay ang pag-video ang inatupag nito.

Mabilis namang kumalat ang balita ukol sa mga ninakaw na blood samples ng unggoy. Maraming residente sa paligid ng medical school ang nangangamba sa pagkalat ng coronavirus sa lugar.

Sa kasalukuyan, may 7,170 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Uttar Pradesh, 

 

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with