^

Punto Mo

3 bata sa Bolivia na iniidolo si spider-man, naospital matapos magpakagat sa gagamba

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

SA ospital ang bagsak ng tatlong batang lalaki sa Bolivia matapos silang magpakagat sa black widow, isang makamandag na gagamba, sa pag-asang magkakaroon din sila ng kapangyarihang katulad ng kay Spider-Man.

Natagpuan daw ang gagamba ng tatlong magkaka-patid na pawang may mga edad na 12, 10, at 8 habang sila ay nagpapastol ng kambing.

Sa paniniwalang magiging katulad sila ng comic book superhero, sinundot-sundot nila ang gagamba hanggang kagatin sila nito isa-isa.

Matapos magpakagat, natagpuan na lamang ang tatlo ng kanilang ina na umiiyak.

Itinakbo sa ospital ang magkakapatid, na nakaranas ng lagnat at pananakit ng mga kasu-kasuan.

Himalang nakaligtas ang magkakapatid at makalipas ang isang linggo ay nakalabas sila ng ospital.

Isa ang black widow sa pina­kamakamandag na gagamba sa buong mundo.

vuukle comment

GAGAMBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with