^

Punto Mo

Ang babae sa aparador (64)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI makatiis si Jonas. Hindi niya kaya na matagal silang hindi mag­ki­kita ni Kat. Kailangang mata­wagan niya ito para malaman kung kailan sila magkikita.

Bahala na kung magalit sa kanya.

Pipilitin niya ito na mag­kita sila.

Pagdating niya sa opi­sina ng umagang iyon, agad niyang tinawagan si Kat.

Matagal bago sumagot si Kat.

Matamlay ang “hello” nito. Halatang kagigising lang.

Hindi na nagpatumpik-tumpik si Jonas.

“Kat, my love ilang linggo na tayong ‘di-nagkikita. Mag­kita tayo ngayon, sige na.’’

“Ang kulit mo naman! Sabi ng busy ako! Saka na lang. Tatawagan kita!’’

“Kailan?’’

“Basta hintayin mo ang call ko.’’

“This week?’’

“Wait ka nga lang sa call ko... ang kulit!’’

‘‘E kasi’y miss na miss kita. Gusto ko nang malasahan ang lips mo.’’

“Maghintay ka nga. Tatawagan kita.’’

“Promise?’’

“Oo! Ang kulit mo naman!’’

“Kasi nga ang tagal na na­ting ‘di nagkikita. Alam mo naman kung gaano kita kamahal. Nag-iisa ka lang sa aking puso.’’

“Korni mo! Sige na, ina­antok pa ako. Napuyat ako dahil sa inaasikaso kong mahalaga.’’

“Ano ba ang mahalagang ‘yun?’’

“Basta! Bye!’’

“Tawagan mo ako Kat! Bye!’’

Ibinaba na nito ang phone.

Napangiti si Jonas kahit hindi natupad ang iniimadyin sa kanila ni Kat. Nangako kasi na tatawagan siya.

Hihintayin niya ang call nito.

At pagnatuloy sila, humanda ang Kat na ‘yun!

(Itutuloy)

vuukle comment

BABAE SA APARADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with