Dating sekretaryo na ngayon ay senador, madaling makalimot!
BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo (Pang-masa) - May 28, 2020 - 12:00am

SABI nga ng isang kilalang ekonomista at propesora, kung meron mang maipagmamalaki ang administrasyon noon ni P-Noy ay “kapalpakan.” Kasama na rito ang kanyang dalawang sekretarya sa iisang departamento na nagbabangayan.

‘Yung isang dating secretary na senador ngayon, panay ang kiyaw-kiyaw. Ang lakas ng loob pumuna sa kasalukuyang admi­nistrasyon pero nakalimutang mas masahol pa noong panahon nila.

Well Senator, if you know how to throw your punches, be sure that you’re ready to absorb my rapid punches as well. Ang lagay eh, ikaw lang ang puwedeng ngumawngaw?

Balikan natin ang nakaraan, tandang-tanda ko pa noong mga panahong nasa Radyo Singko pa ang BITAG Live, naging laman ng aking programa ang sekretaryong ito na ngayon ay senador na.

Paano ba naman, nasa ilalim ng kanyang pamumuno ang National Irrigation Administration noong mga panahon na ‘yun, saksakan ng kapalpakan at kapabayaan.

May mga magsasakang mula pa norte ay bumaba ng Maynila para marinig ang kanilang hinaing sa palpak, pabaya at tiwaling patubig ng NIA. Maging mga pari, tumulong na sa mga magsasaka, makaabot lamang sa media ang problema ng mga ito.

Hindi ba’t kayong magkakapartido na noon, nag-uunahan, nag-aagawan sa malalaking kontrata sa NIA? Kumusta naman ‘yung isyung rice smuggling, pangongotong at overpricing ng mga ina­angkat na bigas ng National Food Authority noong mga panahon n’yo?

Uunahan na kita Senator, hind ito fake news ha. Actually, nasa State of the Nation Address din ito ni dating Vice President Jejomar Binay.

I-google lang, makikita ang buong transcription ng SONA na ito, malapit na kasi ang Presidential Election 2016 noon kaya naghuhubaran na.

Pinakamatinding sinabi pa ng dating Vice President, “Magkapatid ang kapalpakan at pagnanakaw ng mga kapartido’t kaalyado n’yo noong panahon ng dilawan.” Kung walang corrupt, wala raw mahirap. Pagkaraan ng limang taon, marami pa rin ang mahirap at wagas ang pangungurakot.

Anong ibig sabihin? Bira ka nang bira ngayon pero napakadali mong kinalimutan ang mga baho, katiwalian, kapalpakan at kapabayaan ng pamunuan n’yo noon!

Kaya ikaw Senator, magpakatotoo ka sa sinasabi mo. Bago mo pansinin ang baho ng basura sa bakuran ng iba, tingnan mo muna ang bakurang pinanggalingan mo.

SENADOR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with