^

Punto Mo

Extension para sa mga kailangang i-file sa mga korteng apektado ng MECQ

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Akusado po ako sa isang criminal case na isinampa sa Makati at ang pagkakaalam ko po ay may kailangang i-file sa korte nitong May 16. May abogado po ako ngunit naka-confine po siya sa ospital kaya hindi ko na rin po siya makontak at makausap. Ano po ba ang mangyayari kung hindi po nakapag-file sa korte ang aking abogado noong May 16? May remedyo pa po ba ako? – Danny

Dear Danny,

Mahirap sagutin kung anong mangyayari sa kaso mo kung sakaling hindi nga nakapag-file ang iyong abogado lalo na’t hindi mo naman nabanggit kung ano ba ang iyong kailangang i-file noong Mayo 16.

Gayunpaman, kung sakali ngang hindi nakapag-file ang iyong abogado, may oras pa naman siyang ihabol ito, base sa inisyung circular ng Korte Suprema noong Mayo 14, 2020.

Ayon sa Administrative Circular 39-2020, may karagdagang tatlumpung (30) araw na palugit para sa lahat ng kaila­ngang i-file sa mga korte na nasa lugar na nasa ilalim ng modi­fied enhanced community quarantine (MECQ) katulad ng National Capital Region.

Ang palugit ay para sa mga may deadline na hindi lalampas ng Mayo 31, 2020 at ang 30 araw na ito ay bibilangin mula Hunyo 1, 2020. Base rito, may oras ka pa para makipag-ugnayan sa iyong abogado, kung siya ay nasa mabuti nang kondisyon, ukol sa kailangan niyong i-file. Kung hindi naman ay may sapat ka pang panahon para maghanap ng ibang abogado na maaring mag-asikaso sa kaso mo.

vuukle comment

MECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with